Vice
Vice hindi na nakapalag kay Aga
Gorgy Rula (Pang-masa) - January 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — As of Saturday, January 4 lumaki na ang agwat ng kinita ng Miracle in Cell No. 7 sa sumusunod na The Mall The Merrier.

Umabot na ng P350-M ang kinita ng Miracle… ni Aga Muhlach at P305-M naman ang The Mall ni Vice Ganda.

Tumaas naman ang pumangatlo na 3Pol Trobol ni Coco Martin na umabot na ng P80-M at ang pang-apat na Mission Unstapabol ni Vic Sotto ay P70-M.

Ang Sunod naman ay naka-P20-M na at P15-M naman ang Mindanao.

Pumang-anim ang Write About Love na mahigit P5-M na ang kinita nito at panghuli ang Culion na halos P4-M naman ang kinita.

Umangat naman ang kita ngayong taon ng Metro Manila Film Festival pero hindi pa rin nito naabot ang malaking kinita nung nakaraang taon.

Dahil sa success ng Miracle in Cell No. 7, totoo kayang may binili na raw ang Viva ng isa pang nag-hit na Korean film at baka ito uli ang gagawin nila sa susunod na MMFF?

Hindi na kaya ang Pedro Penduko ni Matteo Guidicelli?

Paolo isinakripisyo ang birthday ng anak!

Isinakripisyo ni Paolo Contis ang first birthday ng anak nila ni LJ Reyes na si Summer Ayana dahil kailangan niyang bumalik ng bansa para dito sa pagsisimula ng bagong musical-comedy show kahapon.

Nasa Amerika kasi sila nina LJ kasama ang dalawang bata sa Amerika na kung saan doon sa New York naka-base ang Mommy ni LJ.

Doon nga raw sila nag-Pasko, at doon na rin ipinagdiwang ang kaarawan ni LJ at ang first birthday ng anak nilang si Summer nung January 4.

Pero wala na si Paolo nung mismong birthday ni Summer dahil kailangan niyang bumalik ng bansa para rito sa All-Out Sundays.

“Medyo malungkot kasi first birthday gusto sana nila magkakasama kami. Pero siyempre, may mga ilang bagay na kailangan mong isakripisyo.

“Bago ko naman tinanggap ‘tong All-Out Sundays na-discuss na yun sa akin.

“So sabay naming napagdesisyunan ni LJ na mauna na ako.

“Actually, na-celebrate namin ang birthday ni Summer sa New York January 1. Nag-dinner kami ganyan,” kuwento ni Paolo.

Para ma-celebrate na lang ang first birthday ng anak niya, nagpa-tattoo siya nung nakaraang Sabado sa braso niya ng pangalan ng kanyang anak.

Ipinakita niya sa amin ang Summer Ayana na bagong tattoo sa kanya.

Natuwa naman daw siya dito sa pagsisimula ng AOS dahil masaya at nagkakasundo sila ng mga co-artists niya sa comedy na portion nito.

Kasama niya sina Glaiza de Castro, Kakai Bautista, Aicelle Santos, Betong Sumaya at mga taga-Starstruck na sina Kim de Leon at Lexi Gonzales.

“Ito yung Tapsikret na comedy, sila yung grupo namin sa Bubble Gang.

“Nag-agree kami this group para mabuo yung Tapsikret. Kahit papaano kilala na namin ang isa’t isa.

“Pero hindi siya Bubble Gang look. Narrative siya, parang sitcom na na weekly na may kantahan, sayawan,” dagdag na tsika ni Paolo.

Malaking challenge nga raw ito sa kanya dahil napasubo talaga siya sa kantahan at sayawan. 

VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with