^

Pang Movies

Jennylyn at Dingdong, dating mag-ama nang unang magkatrabaho

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Jennylyn at Dingdong, dating mag-ama nang unang magkatrabaho
Jennylyn at Dingdong

Marami nang nae-excite at nagtatanong kung kailan na ba nila mapapanood ang Philippine adaptation ng Korean Drama na Descendants of the Sun (DOTSPh) na magtatampok kina Dingdong Dantes bilang isang sundalo at Jennylyn Mercado bilang isang military doctor. Bagay na bagay daw sa kanila ang roles nila. At sa isang interview nga, nasabi ni Jen na parang hindi tumatanda si Dingdong.

“Biro niyo, first time kong nakasama si Dingdong, after kong manalo sa first batch ng Starstruck in 2004, ay sa telefantasiyang Encantadia,” banggit ni Jen. 

“Ako si Lira sa story, ama ko si Dingdong bilang si Haring Ybrahim at Reyna Amihan, played by Iza Calzado. Nung una nga hindi ko alam kung paano ko siya tatawagin kasi nga siya ang host namin noon sa Starstruck. Then, bago kami nagsimulang mag-taping ng DOTS Ph kami ang nag-host ng StarStruck 7. At ngayon, from mag-ama, mag-sweetheart na kami.”

Inamin ni Jen na mahirap ang taping nila, very physical at malalaki ang mga eksena. Kailangan din nilang kumuha ng location na walang tao. Sa simula kasi ng story, may namumuo nang love angle sa kanila, pero nagkahiwalay sila sa tawag ng tungkulin nila, pero ang kani-kanila ring tungkulin ang muling naglapit sa kanila sa isa’t isa.

Sa trailer nga na ipinakikita na sa mga programa ng GMA-7, makikita mo na ang ilang mahihirap na eksena nina Dingdong at Jennylyn. 

Bukod sa nag-training din si Jen bilang isang doctora, may naka-standby na doctor sa set, para tama lahat ang ginagawa nila sa eksena.

Pero tikom pa ang bibig ng mga taga-production kung kailan nila ipalalabas ang Descendants of the Sun, maliban sa mapapanood ito sa Primetime Telebabad pero hindi alam kung saan papalit sa ongoing series na ipinalalabas gabi-gabi, ang Beautiful Justice nina Yasmien Kurdi, Gabbi Garcia at Bea Binene, ang The Gift ni Alden Richards at ang One of the Baes nina Ken Chan at Rita Daniela.

Derek at Andrea hindi na mapaghiwalay

Happy ang fans nina Derek Ramsay at Andrea Torres tuwing nagpo-post sila sa kani-kanilang Instagram wall. Like the other day na magkasama sila caption ni Derek sa picture nila: “2019 was a great year for me especially because I met this crazy fool. 2020 is going to be special.”

Sinagot naman ito ni Andrea ng: “I love you very much. 2019 to 2020 to forever!”

Matatandaang summer of 2019 unang nagkasama sa isang project sina Derek at Andrea sa The Better Woman na gumanap na kambal si Andrea bilang wife at later mistress ni Derek.

Since then, naging inseparable na silang dalawa, lahat ng lakad ni Derek, isinasama niya si Andrea. Tanggap sila ng both family kaya tiyak na no problem kung matutuloy ito sa kasal, since null and void na ang kasal ni Derek sa kanyang wife ay puwede na siyang magpakasal muli.

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with