^

Pang Movies

Alden mangunguna sa All Out...

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Pangungunahan ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards, kasama ang mga Kapuso stars sa pagsisimula ng all-out musical-comedy-variety program, ang All-Out Sundays from 12:00 noon to 2:30 pm sa GMA-7, with its world-class musical performances, exciting games and live sitcom every week for good vibes at kilig sa televiewers.

Kapana-panabik ang opening production number pa lamang na gagampanan ng mga Kapuso stars. Hindi rin pahuhuli ang winners ng The Clash 1 and 2 at ang Starstruck 7 Ultimate Survivors.

Creative Directors sina Caesar Cosme at Rommel Gacho, Creative Consultants sina Perry Lansigan at Paolo Valenciano (Kapuso na raw ba siya?) at ang TV Director ay si Miguel Tanchanco.

Red carpet ng 24th ATA, star studded

Sa January 10 to 12, 2020, magaganap ang 24th Asian Television Awards (ATA), sa Newport Performing Arts Theaters at the Resorts World Manila in Pasay City. Kilala ang ATA as the most celebrated gathering of industry professionals, ATA will honor hundreds of Asian nominees – from actors to producers, to directors, to hosts and presenters.

Sa taong ito, ilan sa mga nominees ay sina Julie Ann San Jose, Best Actress in a Leading Role for GMA-7’s animated series Barangay 143 at si Martin del Rosario as Best Leading Male Performance – Digital para sa teleseryeng Born Beautiful ng Cignal TV.

Nominated din si Cathy Yang at Cito Beltran para sa kategoryang Best News Presenter or Anchor.

Ang mga magwawagi sa ATA ay ipapahayag sa award ceremonies na gaganapin sa January 10 at January 11, 2020. 

Inaasahang ang mga Pilipinong personalidad na sina Mark Neumann at Cathy Yang na magho-host sa pagdiriwang, kasama ang Thai model-actress na si Ase Wang at ang Singaporean personality na si Wallace Ang.

Magkakaroon ng red carpet event sa gabing ito na inaasahang dadalo ang daan-daang artista. 

Sa January 12, magkakaroon ng concert kung saan kakanta ang Indonesian singer na si Anggun, kasama rin ang our very own Concert King Martin Nievera, si Kris Lawrence, 4th Impact at Morisette Amon.

EB audience napaiyak sa mga nag-out

Nagkaiyakan ang audience ng Eat Bulaga kahapon sa segment nilang Bawal Ang Judgmental na ang topic nila ay tungkol sa mga nag-out na sa kanilang sex preference. Noong una nagbiro pa si Melanie na ang kasamang anak na si Manuelito Lapid ay ‘anak daw niya sa pagkakasala.’

Pero nang tanungin sila kung nakapag-out na, matapang nilang hinarap ang pagsagot, pero ang isang iniyakan, ay si Jimar na maliit pa ay nawalay na sa tunay na ama at ang naging stepfather naman ay sinaktan siya noong bata pa. Nakilala for the first time ni Jimar ang tunay na ama na isang bouncer na masaya ring nakilala na ang anak at nakapag-out na.

Tweet nga ni Maine Mendoza “Coming out is not easy kaya proud kaming lahat sa tapang nyo to do it here. Isang mahigpit na yakap sa inyong lahat.”

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with