Coleen may patunay na hindi hiwalay ang JaDine
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - January 5, 2020 - 12:00am

Si Coleen Garcia mismo ang makakapagsabi na walang problema at hindi totoo ang rumored breakup nila James Reid and Nadine Lustre.

Naikuwento ng misis ni Billy Crawford na nakasama pa nila ang JaDine couple noong New Year si Coleen nang biglang kumalat ang balitang hiwalay na ang dalawa dahil maayos naman daw ang pagsasama ng dalawa.

“Sinasabi ko lang naman na nakasama namin sila.

“Wala naman akong ibang sinasabi… Base sa na-observe ko, I mean, the fact na magkasama sila, isn’t that enough for you?

“I mean, everybody’s okay, everybody’s okay... Yun yung importante, everybody’s happy… Whatever their issue is, I’m sure they can answer that,” sey ni Coleen.

Gerald naka-move on dahil sa pagba-basketball

Nag-emote sa kanyang Instagram account ang Kapamilya leading man na si Gerald Anderson dahil sa mga pagsubok na naranasan niya noong nagdaang taon na 2019.

Nais ni Gerald na mabago ang lahat ngayong 2020.

Ramdam pa rin kasi ni Gerald ang galit ng netizens sa kanya, lalo na ang fans ni Bea, dahil sa ginawa niya at sa third party diumano sa relasyon nila ni Bea na si Julia Barretto.

Kaya tumutok din si Gerald sa sports na paborito niya na basketball.

Ang paglaro raw ng naturang sport ang naging outlet niya sa mga naging pagsubok sa buhay niya. Kaya tuwing may charity basketball tournaments, hindi nawawala roon si Gerald dahil nais niyang makatulong sa maraming kabataan na nahihilig sa basketball.

Heto ang isang post ni Gerald:

“I just had one of the best sundays of 2019.. This game has been my outlet through many trials in my life.. It has kept me away from bad influences.. And to share the same passion and love with my celebrity friends and superstar ballers on a day of giving back is just amazing.. Through our The Th3rd floor Celebrity 3v3 powered by Frontrow cares @theth3rdfloor @frontrowphoff.. Sam Verzosa @samverzosa (frontrowcares) donated to my brothers at the Cottolengo filipino inc 200K pesos.. Brother sam this will go a long way.. Thank you for today.. To all the ballers today.. Maraming marami salamat.. Brothers from the bottom of my heart thank you after this event went straight to the “philippine youth ball” to receive my “medal of honor” from the philippine youth KASAMA.. I am humbled and excited for this amazing responsibility of being the “Ambassdor of Good Will”.. A new platform to help and inspire even more people thank you to the man above for today.”

Cast member sa Captain America:

The First Avenger arestado, pinatay ang sariling ina!

Isang cast member ng Marvel movie na Captain America: The First Avenger ang inaresto ng mga pulis dahil sa pagpatay nito sa kanyang sariling ina.

Inaresto ang 38-year old na si Mollie Fritzgerald noong December 20 pagkatapos nitong patayin ang inang si Patricia E. Fitzgerald, 68, of Montgomery, Texas. Nagtamo ng multiple stab wounds si Patricia.

Mollie was charged with second-degree murder and jailed on $500,000 bond, ayon sa report ng The Kansas Star.

Gumanap bilang Stark Girl si Mollie sa Captain America: The First Avenger. Naging assistant din ito ng director na si Joe Johnston.

Sinulat at dinirek din ni Mollie ang 2014 crime drama na The Lawful Truth.

COLEEN GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with