_pang-masa
^

Pang Movies

Joey parang true to life ang role sa Pamilya...

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Masugid na tagasubaybay ako ng serye sa ABS-CBN na Pamilya Ko. Malakas ang hatak ng buong istorya na kung saan si Joey Marquez ang gumanap na ama at si Sylvia Sanchez-Atayde naman bilang ina na may ma­raming anak na kinabibilangan ng mga karakter na kilala na sa iba’t ibang series. Kabilang dito sina Kiko Estrada, Maris Racal, JM De Guzman, Arci Muñoz, Irma Adlawan, Jairus Aquino at Perla Bautista.

Masalimuot ang buhay dito ni Tsong Joey, parang true to life dahil matinik siya pagdating sa chicks, mukhang mahaba raw yata ang nota, kaya babaero.

Malay ko! Pero parang nakakasinok na ang takbo ng kuwento kahit maganda, parang nakakasawa rin.

‘Yun lang! Siguro ay kailangan ng ibang angle ng istorya.

Aga nag-milagro...

Ang daming pinaiyak ng pelikulang Miracle In Cell No. 7 na kasali sa Metro Manila Film Festival. Pinagbidahan ito ng mga bigatin at batikang actors and actresses na sina Aga Muhlach, Bela Padilla, Xia Vigor, Joel Torre, JC Santos, Mon Confiado at marami pang iba. Kung pinaiyak tayo ng original, e mas paiiyakin kayo nitong Tagalog adoptation mula sa 2013 Korean film, dahil mas tumatagos ang bawat scene lalo pa’t sa sariling wika natin naisalin.

Aba e, kahit mga lalaking mukhang tigasin sa sinehan, makikita mo panay ang singhot pagkatapos mapanood ang movie! Sa trailer pa lang noon nang mapanood namin, alam na naming papatok sa takilya kaya’t hindi kataka-takang umani ng maraming papuri ang pelikula sa mga manonood at trending pati sa social media.

Congrats sa lahat ng cast at sa direktor na si Nuel C. Naval. Napakahusay! Sana makapag-produce pa tayo ng mga ganitong de kalidad na pelikula in the future.

Happy New Year

Isang pahabol na Happy New Year sa ating lahat! Sa mga lovable people na forever hindi kami iniiwanan, through thick and thin na sina Ricky F. Lo ng Philippine Star, Mam Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon at Pang-Masa, Azenith Briones, Ms. Susan Roces, Dolor & Emma Guevarra, Mother Ricky Reyes at lahat ng Child Haus staff, Ethel Ramos, Ronald Constantino, PMPC, Cristy Fermin, Lolit Solis, Linda Rapadas, Debbie, Mae, my daughter Jenny, Jenjen, Jepoy, Bob, mga kamag-anak ko sa Bolinao, Pangasinan na sina Anie, Ariel, Abner, Daryl, Judy at iba pa. Happy New Year!

God bless us all! Love you all!

JOEY MARQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with