^

Pang Movies

Break up nina James at Nadine ayaw paniwalaan!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Tahimik pa rin sina James Reid at Nadine Lustre tungkol sa nabalitang split-up nila after three years of living-in. May mga nagsasabi namang hindi totoo ang split-up dahil nakita pa raw silang magkasama bago ang New Year.

Wala rin namang sinasabi ang Viva Artist Agency dahil wala na sa kanila si James. Sabi ng isang insider, nasa kanila pa rin naman si Nadine, pero sa ngayon ay hindi pa rin daw nila nakakausap ang actress tungkol sa issue.

Bibida sa Voltes V, secret muna

Kababalik lamang ni Kapuso multi-awardee comedian Michael V mula sa Christmas vacation nila ng family niya sa Florida, USA, nang ang sumalubong sa kanya ay ang balita mula sa GMA Entertainment TV na may gagawing live action adaptation ang GMA ng anime series na Voltes V Legacy.

Isang self-confessed Voltes V fan si Bitoy, kaya nag-share siya agad ng teaser ng anime series sa Twitter. 

Sa ngayon ay maingat pa ang may hawak ng proyekto at lihim na lihim pa kung sinu-sino ang bubuo sa malaking cast. Ididirek ito ni Mark Reyes na kilala sa mga ganitong uri ng proyekto, tulad nang idinirek na niya ang Encantadia series.

Wala pa ring exact date ng airing ang Voltes V Legacy ngayong 2020.

Pero this early, may mga namba-bash na sa proyekto. Sagot na lamang ni Direk Mark at ng program manager ng Voltes V Legacy hindi nila bibiguin ang mga die-hard fans ng Japanese series, na naghihintay sa kanilang local adaptation.

Aga may chance pang maging best actor?!

Marami nang naghihintay sa mga award-giving bodies na magbibigay ng awards this year 2020, ng mga pelikulang ginawa at ipinalabas in 2019.  Marami ang umaasang mananalong best actor si Aga Muhlach para sa mahusay na pagganap niya sa Miracle In Cell No. 7 na kasalukuyang ipinalalabas pa sa 45th Metro Manila Film Festival. 

Isang dahilan daw kasi kaya hindi nanalo si Aga ay dahil adaptation lamang ang story ng movie niya sa isang Korean movie.

Pero hindi naman pare-pareho ang alituntunin ng bawat award-giving body, kaya puwedeng mayroon sa kanila na ang mahalaga ay ang acting ng isang actor o actress at hindi kung adapted ito or original ang story ng pelikula nilang ginawa.

vuukle comment

JAMES REID

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with