^

Pang Movies

Dingdong may pabakat sa kalendaryo!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Tiyak na magkakagulo ang mga beki sa pag-release ng Descendants of the Sun 2020 calendar kung saan makikita ang male cast ng DOTS PH na sina Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Lucho Ayala, Jon Lucas at Prince Clemente.

Tampok ang buong Alpha Team sa buwan ng January and February.

Sa mga buwan ng March and April ay solo ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, na gu­maganap na Capt. Lucas Manalo, kung saan hubog na hubog ang kanyang matipunong dibdib sa suot niyang army shirt.

Ang gumaganap na Sergeant Diego Ramos na si Rocco Nacino ay seryoso ang pose sakay ng motorsiklo sa buwan ng May and June.

Shirtless at kita ang mga naglalakihang muscles sa katawan ni Lucho Ayala para sa buwan ng July at August.

Ang dating Kapa­milya star at Hashtag member na si Jon Lucas ay bukas naman ang army fatigue para makita ang kanyang maskuladong dibdib sa buwan ng September and October.

Samantalang ang One Up member na si Prince Clemente ay in full view ang mga abs sa kanyang shirtless photo para sa buwan ng November at December.

Hanap naman ng ilang beki netizens si Paul Salas na bakit hindi nakasama sa kalendaryo? Si Paul pa naman ang mahilig mag-post na shirtless at magpakita ng abs sa social media.

Aicelle at Mark naka-‘broadcast’ ang unang Pasko at Bagong Taon 

Nag-post ang newly-weds na sina Aicelle Santos at Mark Zambrano ng kanilang first Christmas and New Year bilang mag-asawa sa social media.

Nitong pagpasok ng 2020, pinost ni Mark sa Instagram ang photo nila na magkayakap sila nang salubungin  ang Bagong Taon.

Nag-post din si Mark ng kanyang Best 9 post sa Instagram at puro mga sweet photos nila ang naging most liked sa taong 2019.

November 2019 noong kinasal sila Aicelle at Mark sa isang garden ce­remomy sa Batangas.

Hollywood actress na si Sue Lyon, namayapa pagka-Pasko

Pumanaw noong nakaraang December 26 ang Hollywood actress na si Sue Lyon. Si Lyon ang nagbida sa controversial na 1962 Stanley Kubrick film na Lolita. She was 73 years old. Sumikat si Lyon noong ipalabas ang Lolita, na tungkol sa 12-year old girl na kinahumalingan ng isang matandang lalake. Tinalo ni Lyon ang higit na 800 girls para sa role na Lolita.

Tinawag na “perfect nymphet” si Lyon ng Russian-American author/nove­list Vladimir Nabokov na sumulat ng Lolita. Ang naging mahigpit na kalaban ni Lyon sa role na Lolita ay ang French actress na si Catherine Demongeot.

Noong mag-artista siya sa Los Angeles in 1959, lumabas siya sa ilang TV shows at pelikula tulad ng The Loretta Young Show, The Night of the Iguana, Tony Rome, Evel Knievel and Alligator.

Kinasal si Lyon ng limang beses.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with