Vice mahirap pa ring lampasan sa MMFF!
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - January 4, 2020 - 12:00am

Nag-second sa over-all ranking ng walong pelikulang kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival ang The Mall, The Merrier nina Vice Ganda at Anne Curtis, mahirap pa ring ma-break ang record sa box office na naitala ni Vice Ganda sa MMFF since 2013.

Ang MMFF movie ni Vice Ganda in 2013 na Girl, Boy Bakla, Tomboy ay kumita ng P421 millions, nung 2014 ang The Amazing Praybet Benjamin ay kumita sa takilya ng P429-M. Ito’y sinundan ng movie nila ni Coco Martin in 2015, ang Beauty and the Bestie na kumita ng P529-M.  In 2016, hindi nakapasok sa MMFF ang second team-up nila ni Coco, ang Super Parental Gui­dance na tumabo sa takilya ng P598-M outside the filmfest. 

At nung 2017 ang Gandarrapido: The Avengers Squad ay pumalo ng P571-M habang nung isang taon, 2019, ang pelikulang Fantastisca ay kumita ng P596-M.

Sa anim na pelikula ni Vice na kalahok sa MMFF, lumalabas na ang The Mall, The Merrier ang kanyang pinakamababa with less than P300-M revenue na halos kalahati lamang sa gross ng kanyang movie nung isang taon.

Samantala, ang record-breaking movies ni Vice Ganda ay dalawang beses na ring nalagpasan ng mga pelikula nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Alden Richards, ang The Hows of Us nina Kathryn at Daniel in 2018 na kumita ng P805-M at ang Hello, Love, Goodbye nina Kathryn at Alden  in 2019 ay tumabo  ng P880-M.  Ang dalawang pelikula ay parehong dinirek ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema.

John Lloyd walang epekto sa Culion...

Hindi nakatulong ang special guest appearance ng actor na si John Lloyd Cruz sa pelikulang Culion para pumalo ito sa takilya sa magtatapos na MMFF ngayong January 7.  Ang nasabing pelikula ay tinampukan nina Iza Calzado, Yasmine Curtis-Smith, Meryll Soriano at Joem Bascon mula sa panulat ni Ricky Lee sa direksiyon ni Alvin Yapan.

Ang Culion ay isa sa nasa tail-end ng walong pelikulang kalahok sa MMFF.

Ganunpaman, umaasa pa rin ang mga followers and supporters ng naka-indefinite leave na actor na tuluyan na itong magbabalik-showbiz ngayong 2020.

It was in October 2017 nang siya’y humingi ng `indefinite leave’ sa showbiz kasama ang kanyang partner na si Ellen Adarna, ina ng kanyang more than one-year old son na si Elias Modesto. Balitang hiwalay na sila ni Ellen sa kasalukuyan.

Kung kailan tumanda, Aga biggest hit ang Miracle

Ang Metro Manila Film Festival movie na Miracle in Cell No. 7 ang siyang biggest hit movie to date ni Aga Muhlach sa kanyang entire movie career na sinusundan ng kanyang 2017 comeback movie in five years, ang Seven Sundays na dinirek ni Cathy Garcia Molina under Star Cine­ma na kumita ng mahigit P170-M sa takilya.

Although sa January 7 pa magtatapos ang 2019 Metro Manila Film Festival, malamang na umabot ang movie ni Aga ng P300-M more or less at maaari pa itong ma-extend sa ilang sinehan habang palabas din ang pelikula sa iba’t ibang bansa at kasama na rito ang South Korea kung saan nag-originate ang original version ng movie nung 2013.

In 1992, pumapangalawa ang movie nina Aga at Lea Salonga sa MMFF pero number one sa opening day, ang Bakit Labis Kitang Mahal na tinampukan din ni Ariel Rivera in his acting debut mula sa panulat at direksiyon ni Jose Javier Reyes under OctoArts Films. Ang nasabing pelikula ang nagbigay ng Best Actor trophy kay Aga mula sa MMFF at Best Supporting Actor naman kay Ariel.

Sa 2019 Gabi ng Parangal ng MMFF ay bokya sa awards ang Miracle in Cell No. 7 except for the special award na nakuha ni Aga, ang Sratch It Male Star of the Night.

VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with