Matapos mapabalitang unhappy sa piling ni Billy Coleen umaming ni-reassess at nagkaroon ng time of silence sa sarili!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - January 4, 2020 - 12:00am

Mabilis na itinanggi ni Coleen Garcia na unhappy siya sa piling ng asawang si Billy Crawford. Last April 2018 lang sila kinasal sa Balesin Island.

Ito ay matapos bumuwelta ang mister niya sa isang netizen na nag-comment na malungkot ang aura ni Mrs. Crawford.

“Kasi hindi naman talaga totoo. And we don’t want naman people to believe that... and we don’t want people to go on talking about that and belie­ving kung hindi naman talaga totoo,” umpisa niya.

“Si Billy kasi ay mapatol sa comments. Hahaha. If somebody has to talk, I guess tama rin naman na i-answer din niya,” sabi pa ni Coleen sa interview kahapon pagkatapos ng presscon ng pelikula nila ni Edgar Allan Guzman na Mia na showing beginning January 15 sa mga sinehan nationwide. Dinirek ni Veronica Velasco ang Mia.

“Mukha ba akong malungkot. Naka-orange pa nga ako,” dagdag pa niya habang natatawa sa mga nagkakagulong nag-i-interview sa kanya kahapon.

Feeling niya lang ay dahil wala siyang masyadong update sa social media kaya may ganung observation ang iba nilang followers.

“Mahirap din ang walang masyadong update.

“But I just felt I needed this time of silence also for myself, and I really needed to take a step back and reassess everything in my life. But it doesn’t mean that I’m not happy. Actually, I really feel that I’m at my happiest right now. And Billy is really helping me with that,” pahayag pa niya.

Samantala, pinupuri naman agad ang trailer ng pelikula nilang Mia.

Ang ganda raw ay lumutang ang chemistry nila ni EA na ingat na ingat sa mga eksena nila ni Coleen na ang last movie pa ay ang Sin Island na pinalabas bago pa sila nagpakasal ni Billy.

For a change, wholesome ang movie ni Coleen at puwedeng mapanood ng lahat unlike sa mga previous movies niya na pa-sexy.

Starring din sina Yayo Aguila, William Martinez, Billy at marami pang iba sa Mia.

Produced ito ng Insight 360 ni Chris Cahilig at ng Viva Films.

Sikat na Pinoy YouTuber, baka makulong sa pag-twerk sa Lupang Hinirang

Lagot ang internet star na si Bretman Rock sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP).

Kahapon ay binigyan siya ng warning sa tinutu­ring na pambabastos niya sa national anthem ng bansa.

Nag-twerk twerk siya habang nili-lip synch ang Lupang Hinirang na kumalat sa internet at inireklamo ng maraming netizens.

Dahil doon, pinaalalahanan siya na isa ‘yung violation sa Flag law at puwede siyang pagbayarin ng P5,000 to P20,000 at puwede siyang makulong ng more than a year.

Pinaalalahanan din siyang hindi dapat binabastos ang national anthem at lalong hindi dapat paglaruan sa lahat ng oras at pagkakataon.

Actually three months ago pa niya na-upload ang nasabing video na may almost 700k views.

May 6.9 million followers sa YouTube si Bretman Rock.

Obviously ngayon ito binigyan ng action ng NHCP.

Narito ang buong statement ng NHCP.

“In response to complaints sent to the National Commission of the Philippines (NHCP) reading a video uploaded on a social media platform showing a man dancing while the National Anthem, was being played, public notice is hereby given, that, pursuant to Sec.43 of the Implementing Rules and Regulations of Republic Act No. 8491 or the Flag and Heraldic Code of the Philippines, which the NHCP is mandated to implement, ‘When the National Anthem is played… as a sign of respect, all persons shall stand as attention… shall execute a salute by placing their right palam over their chests…[and that] the National Anthem shall not be played or sung for mere creation, amusement or entertainment purposes’ except on occasions such as international, national, and local competitions.

“Dancing to the National Anthem as shown in the video abovementioned, therefore constitutes a violation of the Flag law.

“Moreover, the said law provides that ‘failure or refusal to observe the provisions of this Act; and any violation of the corresponding rules and regulations issued by the Office of the President shall, after proper notice and hearing, be penalized by public censure (Section 48).

Further failure or refusal to observe the Act may lead to penalty fine of 5,000 to 20,000 Pesos, or imprisonment of not more than one year.

“This notice is given to the public to prevent future violations, in a similar manner, of the law”.

COLEEN GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with