Ruru
Ruru ’di pa pasok sa Voltes V
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 3, 2020 - 12:00am

Sabi nang nakausap namin from GMA-7, wala pang cast ang Voltes V Legacy, ibig sabihin, hindi totoo ang kumalat na tsika last year pa na isa si Ruru Madrid sa magiging cast ng adaptation ng anime series.

May kasunod pa ngang balita ang pagkakapili kay Ruru para mapasama sa cast, pero hindi na lang namin isinulat. So, kung totoo ngang wala pang napipiling cast ang network, everybody is free to audition at malay natin, mapili sila.

Kaya lang, dadaan sila sa matin­ding audition kay director Mark Reyes pa lang na siyang magdidirek ng live action adaptation ng Voltes V Legacy. Kahit wala pang cast, may nagawa ng teaser ang GMA-7 at ipinasalip na sa viewers na yung bashers ng network, hindi alam kung matutuwa o maiinis.

Obvious namang mas marami ang excited sa Voltes V Legacy dahil umabot agad sa more than 1.2 million ang views ng teaser sa Facebook. Never mind the bashers, naglipana talaga sila.

Pelikula nina AiAi at Kisses itatapat sa Block Z nina Julia at Joshua!

Sa GMA-7 na magpu-promote sina AiAi delas Alas at Kisses Delavin ng movie nila sa Regal Entertainment na D’ Ninang bilang exclusive ang kontrata ni AiAi sa Kapuso network at si Kisses ay umalis na sa Star Cinema at Triple A artist na.

Kaya pala nakita namin sa socmed account ng Kapuso network ang na pinu-promote ang movie na may January 29, 2020 playdate. Makakasabay nito ang showing ng Star Cine­ma zombie movie na Block Z na pinagtambalan nina Julia Barretto at Joshua Garcia sa direction ni Mikhail Red.

Balik sa D’ Ninang, ni-release na ang trailer nito kahapon, Jan. 2, 6pm., at sa direction ni GB Sampedro, bukod kina AiAi at Kisses, tampok din sina Joey Marquez, McCoy de Leon, Angel Guardian, Kelvin Miranda, Kiray Celis at Lou Veloso.

Bela ipapalit muna kay Anne

Movie nina Bela Padilla at JC Santos ang Va­lentine’s Day presentation ng Viva Films, ayon ito kay Bela the last time we interviewed her. Tapos na raw ni direk Irene Villamor ang movie, pero dahil working title pa lang meron, hindi muna nasabi ni Bela ang title.

Kaya, kung hindi magbabago ng plano ang Viva Films at pelikula nga nina Bela at JC ang ipa­labas sa Valentine’s Day, ibig sabihin, dalawang pelikula ni Bela ang magkasunod na ipalalabas dahil hanggang ngayon ay showing pa rin ang pelikula nilang Miracle in Cell No. 7 na sinasabing no. 1 sa box office records.

Ang daming nabanggit na movies na gagawin ni Bela sa Viva Films at nabiro tuloy siya na siya na ang reyna ng Viva Films habang nagpapahinga si Anne Curtis dahil buntis, manganganak at mag-aalaga pa ng baby.

RURU MADRID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with