Anak ni Aga proud na proud sa Miracle…
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - January 3, 2020 - 12:00am

Haping-happy daw si Atasha Muhlach dahil nabalitaan niya nga raw na number one top-grosser sa ongoing Metro Manila Film Festival (MMFF) ang movie ng kanyang Dad na si Aga Muhlach, ang Miracle in Cell No. 7.

She has seen na raw the movie actually, not just once but several times, and she is convinced daw na it’s worth watching.

Overwhelmed daw siya, lalo na sa magagandang reviews tungkol sa portrayal ni Aga, bilang si Joselito na may kakulangan sa pag-iisip, yet mabait na ama ng kanyang anak na ginampanan ni Xia Vigor, and as an adult, ni Bela Padilla.

Malaking kontribusyon daw sa movie ang mga gumanap na supporting actors, tulad nina Joel Torre, JC Santos, Soliman Cruz at Tirzo Cruz III.

And of course raw, ang magaling na pagkaka-direk ni Nuel Naval at sa magandang-magandang script ni Mel del Rosario.

Bagama’t based on a Korean novel, Pilipinong-Pilipino daw ang dating ng Miracle in Cell No. 7.

Enzo at Jana gusto uling makatrabaho sina Juday at Raymart

Pareho palang August born ang child stars na sina Enzo Peralejo at Jana Agoncillo na parehong gumaganap ng mahahalagang papel sa malapit nang magpaalam na seryeng Starla.

Magka-edad din sila, as they were also both born in 2010. Mas matanda lang ng ilang raw si Enzo, since August 12 ang kapanganakan niya, samantalang August 28 naman si Jana.

Guess nga pala kung sino ang ka-birthday ni Enzo.

Si Aga Muhlach, whose birthday falls, too, on August 12. Dream daw ni Enzo na makasama si Aga sa pelikula.

His favorite actor, though, is Daniel Padilla.

Bagama’t nalulungkot daw sa nalalapit na pagtatapos ng Starla, still happy daw sila dahil nabigy­an sila ng pagkakataong makatrabaho sina Joel Torre, Raymart Santiago, Joem Bascon, lalo na si Judy Ann Santos.

Ang galing daw na artista ni Judy Ann, bukod sa napakabait pa.

Asked what they would request Starla, if allowed the chance na humiling for a favor, maliksing sagot ng dalawa: Ang magkaroon muli na gumawa ng series together at makasamang muli sina Raymart, Joel, Joem at lalo na si Judy Ann.

Juday at Ryan tutok sa mga negosyo

Of Judy Ann, her next project is reportedly a movie with Coco Martin.

She is not in liberty to discuss much about the movie yet, but extremely excited na siya na makatrabahong muli si Coco.

‘Di nga ba at may kung ilang episodes din siyang ginawa when she guested in the series, FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco?

Na-impress daw siya sa galing ni Coco, lalo’t sa pakikisama. Bagama’t as a director (he is one of the four directors sa AP) pasado rin ito.

What if Coco is assigned to direct her movie with her, okay ba sa kanila?

“I’d welcome that,” sagot ni Judy Ann.

Of Judy Ann’s husband, Ryan Agoncillo, it’s his hosting job sa Eat Bulaga is keeping him busy.

He and Judy Ann pala have several other businesses, one of which, a restaurant, which has several branches na. Siya ang tumututok sa pamamahala ng mga ito.

Few obviously know that Ryan finished a Bachelor of Arts degree from  De La Salle University.

Ganundin si Judy Ann, who is in-charge of concocting new menus which they can serve to their customers, is a Culinary Arts graduate.

Judy Ann has a cooking show in her own Kitchen YouTube.

METRO MANILA FILM FESTIVAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with