Mga sikat sa TV ayaw nang panoorin sa pelikula?!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - January 3, 2020 - 12:00am

Aminin na natin ang katotohanan, noong una sino ba ang nag-isip na magiging top grosser ang pelikula ni Aga Muhlach? Palagay namin walang nakaisip nang ganyan. Ang inisip nila, mananalo siyang best actor dahil magaling naman siya. Hindi naman kasi basehan kung ano ang pelikula niya, kung kinopya man iyon sa mga Koreano, Bumbay o kahit na sa Hapon pa. Ang pinag-uusapan dapat sa best actor ay kung nagampanan niya nang mahusay ang kanyang role.

Pero huwag na nating pag-usapan iyon. Walang kuwenta iyon. Ang ma­tindi talagang na-upset niya ay si Vice Ganda na ilang taon nang top grosser sa festival, at si Coco Martin na matindi ang ambisyong maging top grosser. Kay Vic Sotto ok na iyan eh, basta kumikita siya at may sinehan siya.

May isa pang gusto naming punahin.

Sa telebisyon naman, isa lang ang naka-abante doon sa telebabad laban sa mga serye ng primetime bida. Iyon lamang serye ni Roderick Paulate. Hindi maikakaila na sa kanya ang kredito noon dahil marami ang nagsasabing nanonood sila dahil sa kanya.

Ano ang punto? Maliwanag na ang mga tao ngayon gusto nang balikan ang mga dating artistang subok na nila noong araw pa.

Bakit nakabalik nang maayos ang team up nina Mayor Goma at Dawn Zulueta? Bakit mas naging maganda pa ang career ni Sunshine Cruz?

Hindi kaya iyan ay senyales lamang na ang mga tao ay sawang-sawa na rin sa mga nakikita nilang nakababad na sa telebisyon kaya natatalo na sila sa ngayon.

Iyon ding mga baguhang babad sa telebisyon, wala rin. Ang KathNiel, nakagawa nang malaking pelikula noong hindi na babad sa telebisyon.

Masyado na kasing palasak ang telebisyon kaya nga tingnan ninyo, ang mga susunod pang pelikula ng mga TV star, bagsak ding lahat iyan.

Panahon na sa Pilipinas na ihiwalay ang mga artista sa telebisyon at artista sa pelikula, kagaya ng ginagawa sa US at iba pang mga bansa.

Nadine kakapirma lang ng ‘contract’ kay James

Hinakot na raw ni Nadine Lustre ang kanyang mga gamit mula sa condo ni James Reid sa Quezon City, na ang ibig sabihin ay tapos na ang ilang taon din nilang pagli-live in.

Kontra naman agad ang  fans nila na mabilis naglabas ng ebidensiya na magkasama pa ang dalawa noong New Year’s eve sa isang lugar sa Makati, kasama ang ilan pa nilang kaibigan.

Kung totoo iyan, kawawa si Nadine. Una kapipirma pa lang niya ng kontrata sa kumpanya ni James Reid, at walang dudang ginawa niya iyon dahil sa kanilang relasyon.

Ikalawa, ano na ang reputasyon ni Nadine matapos silang magsama ng halos ilang taon din? Sino ang sasalo agad sa kanya?

Controversial singer mas malinaw ang bagong sex video

New Year mismo, nagsimulang kumalat ang isang bagong sex video ng naging kontro­bersiyal na singer na may sumikat na isang kanta lang.

May lumabas na siyang sex video noon pero malabo, aba ngayon napakalinaw ng bago niyang sex video.

Mukhang totoo ang hinala ng iba na talagang guma­gawa siya ng mga sex videos niya para siya mapag-usapan. Mukhang ang akala niya sisikat siya dahil sa ginagawa niyang ganun.

Hindi ba niya naiisip na baka habang kumakanta siya ang iniisip ng live audience ay kung ano ang ginagawa niya sa kanyang mga video?

AGA MUHLACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with