^

Pang Movies

Celebrity weddings tambak noong 2019

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Celebrity weddings tambak noong 2019

Maraming celebrities ang ikinasal nung nakaraang taon, 2019.  Ito’y sinimulan ng singer-composer at hitmaker na si Moira de la Torre at husband nito at kapwa musician na si Jason Marvin Hernandez nung January 14, 2019 sa pamamagitan ng isang garden wedding in Tagaytay City.  

Sa araw ding ito ng January 14 ay nagkaroon ng affirmation of their wedding vows ang mag-asawang Anthony Taberna at Rossel Velasco-Taberna na ginanap sa Tagaytay.  Ito’y sinundan ng renewal of wedding vows on their silver anniversary ng mag-asawang Michael V. (Beethoven Michael del Valle Bunagan) at wife niyang si Carol Bunagan na ginanap sa exclusive resort ng Amanpulo, Palawan on February 7  kasunod ang kasal ng ex-PBB big winner, ang engineer at businessman na si Slater Young on February 16 sa kanyang non-showbiz wife na si Kryz Uy.  Ang kanilang kasal ay ginanap sa Shangri-La Resort & Spa in Mactan, Cebu.  Sumunod naman ang Kapuso actress na si Reese Tuazon at ang kanyang non-showbiz husband na si Robbie Guingona na ginanap din sa Tagaytay nung February 25. 

March 16 naman ikinasal ang isa sa mga anak ng mag-asawang Joey de leon at Eileen Macapagal-de Leon na si Jako de Leon sa wife nito ngayon na si Gillian Salita na ginanap sa Archbishop Palace in Pasig City.

 April 13 naman ikinasal ang aktres na si Michelle Madrigal sa American husband nitong si Troy Woolfolk sa Austin, Texas. 

Nung April 23 ay ikinasal ang panganay ni Marjorie Barretto (sa actor na si Kier Legaspi) sa mister nitong si Xavi Panlilio na ginanap sa Santuario de San Antonio in Forbes Park, Makati City. 

Nung May 28 ay ikinasal naman ang PBA star na si Peter Jun `PJ’ Simon at ang Bb. Pilipinas Supranational 2018 na si Jehza Mae Huelar.

Nung July 20, 2019 ay ikinasal ang Fil-British football player at ex-boyfriend ng actress na si Angel Locsin na si Phil Younghusband kay Margaret Hall na ginanap sa Goodnestone Park in Kent, England. 

Sumunod sa kanila ang isa sa mga finalists ng unang season ng Asia’s Got Talent na si Gerphil Flores at Brad Libanan na ginanap sa Manila Cathedral in Intramuros.

November 10, 2019 nang ikasal ang actor na si Victor Basa sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Stephanie Dan na ginanap sa Angelfields Nature Sanctuary in Tagatay na sinundan naman ng kasal  ng stage-TV singer-actress na si Aicelle Santos sa dating news reporter ng GMA Network na si Mark Zambrano nung November 16 na ginanap sa El Jardin de Zaida in San Juan, Batangas. 

Nung November 28, 2019 ay ikinasal naman sa Kyoto, Japan ang longtime partners na sina Vhong Navarro at Tanya Bautista.

Nitong nakaraang December 2019 ay apat na celebrity couples ang ikinasal na sinimulan ng Kapuso actress na si Joyce Ching and her non-showbiz husband na si Kevin Alimon nung December 8 na ginanap in a garden wedding sa Baguio.

   December 21, 2019 nang ikinasal ang couple na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina na ginanap sa Manila Cathedral in Intramuros, Manila habang ang actress na si Valerie Concepcion ay nagpakasal noong December 28 sa kanyang non-showbiz at Guam, USA-based husband na si Francis Sunga.  Ito’y ginanap sa The Hills in Silang, Cavite.

Bago nagtapos ang buwan ng Disyembre ay nagpakasal naman ang Korean national, radio DJ, columnist  at ex-PBB housemate na si Jinri Park sa kanyang Fil-Australian husband na si John sa isang Korean wedding ceremony in South Korea.  Ang dalawa ay nagkakilala in Sydney, Australia kung saan naka-base si John at nung July 2019  sila na-engaged.

JOYCE CHING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with