Aga
Aga wini-wish makasama si Robin
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - January 1, 2020 - 12:00am

Nagpasalamat si Aga Muhlach sa mga magagandang salitang inalay ni Robin Padilla para sa kanya sa Instagram post nito the other day. At kasabay din nito ay ipinahayag din niyang masaya siya para sa tagumpay ng kapwa-Metro Manila Film Festival movie na Mindanao.

 “@robinhoodpadilla kapatid! Maraming salamat for your kind words. Pls allow me to use your space para pasalamatan lahat ng sumuporta sa pelikulang Miracle in Cell no 7. Maraming salamat po sa inyong Lahat pls allow me also to congratulate the move Mindanao for all the awards they got. They are all deserving of these.

“Masaya ako sa para sa tagumpay ng Bawat sino man satin sa industriya ng pelikulang pilipino. We do films because we love our jobs bilang artista at kung tayong lahat ay mabigyan ng papuri ay isang malaking karangalan na.

“Sa lahat ng kalahok na pelikula sa MMFF 2019, isang napakalaking karangalan para sakin na makasama ko kayo at mapabilang sa hanay ninyo mabuhay kayo! Mabuhay ang pelikulang pilipino! Mahal ko kayong lahat at alam niyo yan,” ang bahagi ng sagot ni Aga sa IG post ni Binoe.

Sa huli ay ipinahayag din ng aktor ang wish niya na makasama si Robin sa isang pelikula.

 “Pare ko, sana magkasama na tayo sa isang pelikula! Isang pangarap! Thank you again, kapatid at salamat sa inyong Lahat. Love and respect to all my peers and sa Lahat ng ating kababayan,” ani Aga.

Sinagot din naman ito ni Binoe at aniya, “@agamuhlach317 malalaim na pagpupugay sa iyo pare ko isang karangalan ang maging bisita ka sa aking Instagram Mabuhay ka Pare there is a life after a life achievement award! Praise God pare binabati kita at patuloy na ipinagdadasal.”

Sumagot naman ulit si Aga ng isang praying hands emoji.

Matatandaang pinuri-puri ni Binoe si Aga in his IG post the other day para sa napakahusay na performance nito sa Miracle in Cell No.7.

Matteo proud na proud sa pag-rescue ng aso ni Sarah

 “My love with a  beautiful heart” ang caption ni Matteo Guidicelli kay Sarah Geronimo sa kanyang Instagram Story.

Kasama ng caption ni Matteo ang video ng Rated K interview with Sarah tungkol sa pag-rescue nito sa isang aso.

Nakakatuwa ang pagiging proud ni Matteo sa kanyang fiancée at kitang kita mo sa kanya kung gaano niya kahamal si Popstar kaya naman love na love siya ng mga Popsters ni Sarah.

Soon ay lalagay na rin sa tahimik sina Sarah at Matteo at ngayon pa lang ay marami na ang humuhula na magiging isang mabuting asawa’t ama ang aktor. And of course, same with Popstar na mukhang magiging isang perfect wife and good mother sa kanilang magiging anak.

AGA MUHLACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with