Raymart wala nang problema sa mga anak nila ni Claudine
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 1, 2020 - 12:00am

May nag-react sa nasulat naming item na si Gretchen Barretto ang tumulong para makapag-usap sina Claudine Barretto at Raymart Santiago, maayos ang isyu sa pagitan nila at nakita na uli ni Raymart ang mga anak na sina Sabina at Santino.

Sabi nang nakausap namin, hindi si Gretchen ang namagitan kina Claudine kundi ibang tao at dahil sa taong ito, pumayag si Raymart na pumunta sa bahay nina Tony Boy Cojuangco at Gretchen Barretto para magkausap sila ni Claudine. Ang alam daw ni Raymart, galit sa kanya ang mga anak, pero sumumod ang dalawa sa bahay nina Tony Boy at Gretchen at nang makita ang ama, agad na nagyakapan sila.

Kaya naisama ni Raymart ang mga anak sa bakasyon sa Japan at sumegue sila sa Tokyo Disney Sea. Ngayong puwede nang makita at makasama ng regular ni Raymart sina Sabina at Santino, siguradong marami pa silang biyahe at pasyal na gagawin.

Alex may pelikula tungkol sa droga

Isa sa aabangang pelikula sa 2020 ang Watch List na pinagbibidahan ni Alessandra de Rossi na produced ng Reality Entertainment. Napanood namin ang trailer ng movie na may February 19, 2020 playdate at sana suportahan ng moviegoers.

Tungkol pa rin sa droga ang tema nito na hindi pa rin tuluyang nawala, relatable ang mga eksena at marami ang makaka-relate sa mga pamilyang nabiktima ng drugs. Higit na makaka-relate ang user at pusher at drug lords sa nabanggit na pelikula.

Sa direction ni Ben Rekhi, ang description ng Reality Entertainment sa movie ay “A mother finds herself in the middle of Manila’s violent drug wars, forced to confront her own darkness in order to protect her children.”

Nora bibida sa hapon ng GMA

Isa sa mga bagong shows ng GMA 7 for 2020 ang Afternoon Prime na Bilangin ang Bituin sa Langit na pagbibidahan ni Nora Aunor sa direction ni Laurice Guillen. Kabilang sa kasama sa cast si Zoren Legaspi na sa storycon pa lang, nagpa-picture na kasama si Guy at pinost sa kanyang Instagram (IG).

“Will be my first time to work with the legend Superstar Ms. Nora Aunor in Bilangin ang Bituin sa Langit.”

GRETCHEN BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with