^

Pang Movies

Nico naisahan ni Solenn sa panganganak

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Nakakatuwa si Solenn Heussaff, na-playtime niya ang asawang si Nico Bolzico na kunwari manganganak na siya at solid ang pagkataranta ni Nico. Hindi nito alam na nire-record ni Solenn ang kanyang reaction at pinagtatawanan siya ni Solenn.

Hindi nito alam na nagbuhos lang ng kulay red at tubig yata ‘yun si Solenn para palabasing dugo at pumutok ang kanyang bahay panubigan. Hindi nagawang magalit ni Nico dahil masahol ang ginagawa niyang prank kay Solenn.

“Payback time from #Wifezilla. I knew that one day @solenn was going to get her revenge for all the times I pranked her, but I never expected to be today, in our 37th week of pregnancy, our actual due date.

I should be upset but instead I am proud! Well play my Padawan! Lesson learned: I am completely useless on times of emergency! Getting more prepared for when the actual day comes. Good boot camp training! #SosBolz #SosBolzProducciones.”

Aga, emoticon lang ang sagot sa mga nagrereklamo

Kay Aga Muhlach nagrereklamo ang moviegoers sa hindi niya pananalo ng best actor sa Awards Night ng Metro Manila Film Festival 2019 sa pelikulang Miracle in Cell No. 7. Dapat daw siya (si Aga) ang nanalo at hindi si Allen Dizon dahil napakagaling niya sa role ni Joselito Gopez na isang mentally-challenged.

Ang tanging sagot ni Aga sa mga nagrereklamo ay ang mag-post ng emoticon na nagpapasalamat.  Nagpasalamat si Aga sa nagsabing kahit walang awards, ang importante, maganda ang pelikula, worth the money lalo na at top grosser.

Sa mga nagre-request ng international screening, mukhang mauuna ang screening sa U.S. dahil sa January 17, 2020 na ang schedule at susunod na sa ibang bansa. Very proud din si Charlene Gonzales sa box-office gross ng Miracle in Cell No. 7, naka-post sa Instagram (IG) niya ang mahahabang pila in every malls, moviegoers reaction at ang mga kwento nang pamumugto at pamumula ng mga mata ng moviegoers.

All-Out... tatapatan ng 25th anniversary ng ASAP

Naku, sasabayan ng ABS-CBN ng 25th anniversary ng ASAP ang premiere ng bagong musical show ng GMA-7 na All-Out Sunday sa January 5, 2020. Kaya, matinding tapatan ang mangyayari sa nasabing petsa ng first Sunday ng January 2020.

Naka-post sa Instagram (IG) ni Regine Velasquez ang “25” at sinundan ng “01.05.2020” at “asap natin ‘to,” naka-tag kay Ogie Alcasid at ni-like ni Gary Valenciano.

Alam na ng televiewers kung sino ang performers ng ASAP pero tiyak na mas special ang kanilang gagawin at baka mag-invite pa ng ibang Kapamilya stars for their anniversary lalo na at may bagong katapat na show.

Headliners naman ng All-Out Sunday sina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Christian Bautista, Mark Bautista at Aicelle Santos. We were thinking na makakasama sa line up si Lani Misalucha, pero wala ang pangalan niya. Combination daw ng music at comedy ang All-Out Sunday, na ibig sabihin, parang Sunday PinaSaya rin ang concept kaya kasama sa line-up sina Boobay, Super Tekla at Kakai Bautista. Marami ring dancers sa All-Out Sunday gaya nina Rayver Cruz, Migo Adecer, Mavy at Cassey Legaspi at Miguel Tanfelix.

Kaya, abangan na lang natin ang tapatan ng ASAP ng ABS-CBN at All-Out Sunday  ng GMA-7.

vuukle comment

SOLENN HEUSSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with