Sarah, Richard at Zion walang kasamang yaya ‘pag nasa bakasyon
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - December 31, 2019 - 12:00am

Masaya ang bakasyon sa Los Angeles, California ng mag-fiancé na Richard Gutierrez at Sarah Lahbati kasama ang panganay nilang si Zion.

Enjoy sila sa bonding na sila-sila lang at walang yaya na kasama.

Si Kai, miss daw nila, pero palagi naman nilang ka-video call dahil na kay Esther Lahbati ito.

Sa susunod na bakasyon daw nila abroad ay kasama na si Kai.

Sa bahay naman sa Amerika ng magkapatid na Alice Eduardo at Small Laude magnu-New Year’s eve celebration ang tatlo.

Si Ruffa Gutierrez naman na nasa L.A. rin kasama ang mga anak na sina Lorin at Venice ay hindi pa raw sure kung saan sasalubungin ang 2020 dahil apat na parties daw sila invited.

Ang bongga.

Anyway, kahapon (Sunday sa L.A.) ay nagkita-kita na sila sa isang dinner at pinadalhan pa nila ako ng video na magkakasama sila.

“We are all together. Ang saya, big group kami,” sey ni Ruffa.

Career ni Aga nabuhay sa ‘himala’

Inaasahang mas sisigla ang career ni Aga Muhlach ngayong 2020 dahil sa pagiging box-office success ng Miracle In Cell No. 7 na isa sa eight official movie entries ng Metro Manila Film Festival 2019.

May mga fan na nagsasabing sana ibalik ng ABS-CBN ang Oki Doki Doc ni Aga dahil may panghatak pa rin naman pala siya sa mga bata.

Why not? Good idea!

Vice dedma sa tsikang tinalbugan na ang The Mall...

Tinanong ko ang isang malapit kay Vice Ganda na kasama niyang nagbabakasyon sa Taiwan kung may reaction ba ang comedian/TV host sa tsikang kumakalat na tinalbugan na sa box-office ng Miracle In Cell No. 7 ang The Mall, The Merrier movie nito with Anne Curtis.

Sabi ng tinanong ko, hindi raw nagre-react si Vice.

Sabi pa niya and to quote him, “Kaya hindi nagre-react, ‘di naman kasi totoo.”

Ah, kaya naman pala parang hindi nara-rattle si Vice sa tsikang ‘yon.

‘Yun na!

RICHARD GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with