Aga, Xia
Miracle… ni Aga malaking factor na napanood ang Korean version!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - December 27, 2019 - 12:00am

Isang upset ang nangyari sa unang araw ng festival. Kagaya ng inaasahan, namayani at sinasabing top grosser ang pelikula ni Vice Ganda. Pero kaya itinuring na may upset, lumalabas na sumunod sa gross ng pelikula ni Vice ay ang pelikula ni Aga Muhlach, ang Miracle in Cell No.7.

Inaasahan din naming kikita ang pelikulang iyan, kaya nga sinasabi namin bago pa nag-umpisa ang MMFF na magiging “dark horse” ito sa festival, dahil pre-sold nga ang kuwento at saka si Aga Muhlach naman iyan. Pero hindi rin namin inaasahan na magiging number two siya sa first day.

Naapektuhan din ang festival ng malalakas na buhos ng ulan, pero sinabi nilang baka nga mas tumaas pa ang kita ng pelikula kinabukasan nang mas gumanda na ang panahon.

Ang pelikula ni Aga ay rated A ng Cinema Evaluations Board, karaniwang sinasabi na basta rated A ang isang pelikula at nagustuhan ng mga kritiko, hindi kikita iyan dahil hindi abot ng masa. Pero maski na ang theater managers, nang mapanood ang pelikulang iyan ay naniwalang kikita nga. At iyon nga ang nangyari. Isang advantage pa nga ang katotohanan na may classification na G mula sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board), ibig sabihin maging ang mga bata ay maaari iyong panoorin.

Pero ang malakas na factor sa palagay namin, iyong katotohanang napanood na ng marami ang original movie, nagustuhan nila ang kuwento at ngayon gusto nilang mapanood sa Pilipino na ang gumaganap ay mga artistang Pilipino rin. Adjusted rin ang kuwento para magpakita ng kaugaliang Pilipino, kaya hindi rin masasabing kopyang-kopya lamang sa mga Koreano.

Nakakatuwa naman ang nangyaring iyan kay Aga, na halos dalawang dekadang hindi sumali sa festival, at nang magbalik matindi pa ang naging dating.

Kung mananalo pa si Aga ng awards mamaya, “in the bag” na ang kita ng pelikulang iyan.

DOLE nadesisyunan na ang nangyari kay Eddie Garcia

Bago pa nag-Pasko, pinalabas na ng DOLE NCR ang kanilang desisyon na nakitaan nila ng mga paglabag s a batas sa safety ng mga manggagawa ang GMA-7 na naging dahilan ng kamata­yan ng actor na si Eddie Garcia. Dahil doon, ang GMA-7, kasama ang iba pang mga kumpanyang inaakusahan din ng pagpapabaya ay pinagmumulta ng DOLE ng P890K. Maliwanag din iyon, hindi lang ang GMA ang magbabayad ng multa, kasama doon ang iba pa. Ang desisyon ay iniapela pa rin ng GMA.

May nagsasabi, ganoon lang ang ibabayad sa kamatayan ni Eddie Garcia?

Hindi po, ang P890K piso ay multa lamang ng GMA at iba pa sa paglabag sa workers’ safety. May pananagutang legal at moral pa rin sila sa pamilya ni Eddie Garcia at dapat silang magbayad dahil sa nangyari roon. Ngayon magagamit pa ng pamilya ang lumabas sa imbestigasyon ng DOLE na talagang may kapabayaan sila, at mas madali ang kaso. Babayaran pa nila ang mga tagapagmana ni Eddie Garcia.

AGA MUHLACH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with