Isang MMFF movie, pinalitan na agad-agad
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - December 27, 2019 - 12:00am

Isa lang bumili ng ticket…

Winner na winner sa Twitter ang Miracle in Cell No. 7 ni Aga Muhlach.

Idinidispley ng nakapanood ang binili nilang tickets, ang video at pictures ng pila sa sinehang pinanooran at komento na nagustuhan at naiyak sila sa kabuuan ng movie.

Balitang nasa second spot ang movie ni Aga sa lahat ng entries, huh!

Mangilan-ngilan lang ang nagtu-tweets sa ibang entries. Tila wala silang keber sa social media, huh!

‘Yung ibang tweets, eh reklamo naman ang pinararating. Eh ang distributor ng Mindanao, ang Solar Films, ipinaalam sa publiko na hindi mapapanood ang Judy Ann Santos movie sa Trinoma dahil may problema raw sa machine ng sinehan.

Nagparating naman ng reklamo ang isang netizen na gustong manood ng isang entry. Kaso, napansin niyang isa lang siya sa sinehan.

Ibang entry ang ipinalit, gusto sana niyang mag-refund. Pero hindi nasunod ang gusto niya.

Nagtiis na lang siyang panoorin ang kapalit kahit ayaw niya itong panoorin, huh!

Sa milagrong nangyari sa Viva movie, may bagong entry na pumasok kaya ‘yung prediction sa Top 3 highest grossing entries this year eh bulilyaso!

Ngayong gabi ang awards night, kapag humakot ng awards ang pelikula ni Aga, baka tuluyan nang malaglag ang movie na number 1 last Christmas, huh!

AGA MUHLACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with