Angel
Angel nag-umpisa nang magtrabaho sa gobyerno, tumutulong na bantayan ang mga pirata sa MMFF
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - December 26, 2019 - 12:00am

Nag-umpisa na si Angel Locsin sa kanyang campaign sa Optical Media Board (OMB) as anti-piracy ambassador.

Panay na ang post niya sa social media ng “Makuha ka sa tingin...   
A friendly reminder this MMFF season ??.”

Usung-uso noong mga nakalipas na Metro Manila Film Festival ang pamimirata ng official entries sa CDs and DVDs.

Pag pinipilahan ang pelikula, asahan mong mabilis ‘yang magpa-pirate at ibebenta sa Quiapo.

Ngayon ay mas malala na ang online piracy na siya marahil mas target na pigilan ni Angel na hindi nagdalawang isip na tanggapin ang position dahil aminado siyang kabilang siya sa nakikinabang sa industriya ng pelikula na bumubuhay sa kanyang pamilya at sa pamilya ng iba pang manggagawa ng mga taga-industriya.

Vice, Aga, mabilis pinilahan

As expected, ang The Mall, The Merrier ang isa sa mga pi­nipilahan kahapon sa mga sinehan.

Sold out agad ang mga ticket sa ibang mga sinehan sa Metro Manila at maging sa probinsya base sa mga post na naglabasan sa social media.

Pila-pila rin ang mga nanonood ng Miracle Cell No. 7 ni Aga Muhlach kaya naman agad na nagpasalamat si Aga sa kanyang social media accounts.

Social media ngayon ang pinagbabatayan ng mga naglalabasang report. Walang nilalabas na unofficial ranking sa box office ang Metro Manila Film Festival executive committee.

Habang ang iba ay nagkaroon ng chance na makapanood ng sine, marami naman ang na-stranded sa mga terminal bus at barko dahil nga sa bagyong Ursula na nanalasa sa Kabisayaan.

Sana nga ay lumipas na ang bagyo lalo na ngayong naghahanda na ang lahat sa pagpasok ng 2020.

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with