Roderick Paulate
Roderick naging roller-coaster ang 2019
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - December 25, 2019 - 12:00am

Masayang-masaya si Roderick Paulate na ang comeback teleserye niya sa GMA-7 na One of the Baes with Ken Chan and Rita Da­niella ay umaarangkada sa ratings and in fact ay dalawang beses na nga itong na-extend.

Bukod dito ay very well-loved ng mga tao ang kanyang karakter bilang Paps Fernando Binglangdapa na closet queen at halatang na-miss siya ng mga televiewers sa ganitong klaseng karakter.

 “Kasi ang nakakatuwa rito, honestly, kasi ‘yung iba nating kaibigan or supporters, sinusuportahan tayo kahit saang istasyon tayo pumupunta at sinasabi nila ‘yun sa account ko, sa Instagram at kung saan-saan pa.

“I’m very grateful kasi ang sarap ng feeling sa isang artista na hindi lang istasyon ang sinusubaybayan mo kundi sinusubaybayan mo rin ‘yung paborito mong artista,” he said nang maka-chikahan namin.

Naging roller-coaster ride kay Kuya Dick ang taong 2019 dahil bagama’t hindi siya pinalad na manalo bilang Vice Mayor ng Quezon City nitong nakaraang eleksyon, after the elections ay nagkaroon agad ng offer ang GMA-7 para sa One of the Baes.

Kaya kung iaa-asses niya ang kanyang 2019 sa kabuuan ay maganda pa rin daw ang year na ito sa kanya at naniniwala siyang ang lahat ay nasa plano ng Diyos.

“Talagang Siya pa rin ang nakakaalam kung anong gusto niya para sa ‘yo.

“Sabi ni Lord, ‘yan muna.’ Saka ako kasi, naniniwala, hindi lahat ng gusto natin, mangyayari in our time. It’s always in His time. Hindi ibig sabihin ay hindi ka capable, hindi ibig sabihin na hindi ka mabu­ting leader or hindi rin ibig sabihin, hindi ka nanalo.

“Maaaring sa puso ng tao, nanalo ka, pero sa Diyos, “hindi muna, anak, ito muna ang gusto ko.’ Eh susunod na ako don,” pahayag ni Kuya Dick.

Kung tutuusin ay showbusiness naman talaga ang bread and butter ni Kuya Dick dahil dito siya talaga kumikita at hindi sa politika. Kaya naman he feels very blessed na hindi naman siya pinapabayaan ni Lord sa ganitong aspeto. Ito pa lang daw ay sapat na para maging thankful siya sa Diyos.

RODERICK PAULATE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with