^

Pang Movies

Matteo sigurado nang pakakasalan si Sarah!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Matteo sigurado nang pakakasalan si Sarah!
Sarah, Matteo

Pinaglaruan ni Joross Gamboa ang mga Kapuso leading men noong wedding ni Rodjun Cruz kay Dianne Medina.

Sa pamamagitan ng IG video, tinanong niya kung sino ang susunod na ikakasal kina Rayver Cruz, Matteo Guidicelli, EA de Guzman, Ruru Madrid at Alden Richards?

“Sino kaya ang susunod na ikakasal?” ang pinakatanong ni Joross sa video at isa-isa niya itong nilapitan.

For sure na next in line na raw si Matteo dahil engaged na ito ng one year kay Sarah Geronimo.

Si Rayver naman daw ay mukhang di pa naiisip ang magpakasal dahil bagu-bago pa ang relasyon nito kay Janine Gutierrez.

Si EA naman na kasama ang girlfriend na si Shaira Diaz ay natatawang umiiwas sa video ni Joross.

Si Ruru ay no comment sa question ni Joross. Rumoured gf nga ni Ruru si Bianca Umali.

At si Alden naman ay nag-flash lang ng smile at dimples sa question ni Joross.

Negosyanteng si Cristina Decena malaki ang pinagdaanang pagsubok

Maraming rason kung bakit masayang ise-celebrate ng businesswoman and TV host na si Cristina Decena ang Pasko at Bagong Taon. Isa na rito ay nabigyang linaw na ang maraming kinaso sa kanya at sa kanyang mga negosyo.

Sa pa-Thanksgiving ni Ms. Cristina, sinabi nito na naging malaking pagsubok man ang 2019 sa kanya, personally and professionally, na-survive niya ang mga ito eksakto sa pagtatapos ng taon.

“Very thankful ako kay Lord dahil yung dinasal ko na ma-survive ko ang lahat ng pagsubok Niya sa buhay ko ay matapos na. True enough, it happened.

 “Kaya ang sarap magpasalamat kay Lord dahil everything are in their proper places. Puwede na akong mag-relax-relax na dahil may mga napagkakatiwalaan na ako sa mga pinaghirapan nating mga negosyo,” ngiti pa niya.

At para maging visible pa rin si Ms. Cristina, ilu-launch niya in 2020 ang kanyang travel vlog na The Good Life. 

Unang ilalabas ang The Good Life via Facebook at isusunod na ang pag-upload nito sa YouTube.

Ex hubby ni Miley, super model ang bagong dyowa!

Hindi malamig kundi mainit ang Christmas ng ex-husband ni Miley Cyrus na si Liam Hemsworth dahil naka-move on na ito at may karelasyon na ito na supermodel na nagngangalang Gabriella Brooks.

Pinakilala na raw ni Liam si Gabriella sa kanyang pamilya habang nagbabakasyon sila sa Byron Bay.

Unang nakipagrelasyon si Miley sa blogger na si Kaitlynn Carter noong maghiwalay sila ni Liam. Sunod niyang dyinowa ay ang Australian musician na si Cody Simpson.

Days before Liam filed for divorce, ito ang pinost niya sa Instagram: “Hi all, Just a quick note to say that Miley and I have recently separated and I wish her nothing but health and happiness going forward.”

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with