Richard didiretso sa panonood ng NBA
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - December 24, 2019 - 12:00am

Wow, dahil aalis sila on Christmas day papuntang Los Angeles, California, Christmas day mismo darating doon si Richard Gutierrez at ang mag-ina niyang sina Sarah Lahbati at Zion.

Noong una ay ikinuwento na sa akin ni Richard na manonood siya ng NBA game ng Los Angeles Clippers vs. Los Angeles Lakers, pero hindi na siya mag-isang manonood ngayon dahil kasama na niya sina Sarah at Zion.

Susunduin daw kasi sila ng isang kaibigan sa Tom Bradley International Airport at nagkataon din daw na manonood ito ng nasabing NBA game, kaya from the airport ay deretso na sila sa panonood.

Sayang nga lang at hindi na sila nahintay ni Raymond Gutierrez sa L.A.

Nang ka-text ko kahapon si Raymond at five hours away siya sa Hong Kong kung saan ay may layover siya ng two hours and as you read this, nakabalik na siya ng Philippines kagabi.

In fairness, hindi na rin nakakainip ngayon na bumiyahe ng mahabang oras dahil may wifi na sa flights.

Ang bongga!

Marjorie at pamilya sa Amerika magpa-Pasko

Speaking of L.A. bukod kina Richard, Sarah af Zion, nandoon na rin ang mag-iinang Kris, Josh at Bimby Aquino.

Darating din daw sa L.A. si Marjorie Barretto at ang kanyang mga anak.

Ang dinig ko, invited silang magkapatid na Alice Eduardo at Small Laude on New Year’s eve.

Si Pops Fernandez naman, sa Las Vegas, Nevada magki-Christmas kasama ng mga anak (pati ba si Martin Nievera and their friends?) at uuwi na ng bansa on December 26 at nandito na sila sa December 28 para sa New Year’s eve show nila sa The Tent at Solaire.

Bongga!

Movie industry masiglang-masigla

Siyempre, tutok ang lahat sa opening day ng Metro Manila Film Festival 2019!

Asahan na mangunguna sa takilya ang mga pelikulang The Mall, The Merrier nina Vice Ganda at Anne Curtis (na panonoorin ko kaagad pagbalik ko sa December 30), ang 3Pol Trobol nina Coco Martin at Jennylyn Mercado at pati ‘yung movie ni Bossing Vic, pero for sure, magugustuhan din ng magpapamilya na panoorin ang Miracle In Cell No. 7 ni Aga Muhlach lalo na at bida rin ang batang gumaganap na anak niya sa pelikula!

Ang saya lang na sobrang sigla ng movie industry kapag ganitong Kapaskuhan dahil nga sa MMFF, pero sana, whole year round, maging masigla uli ang ating local movie industry.

Di ba like before na after ng MMFF ay inaabangan din ang mga magsu-showing na pelikula.

Sana lang talaga! ‘Yun na!

RICHARD GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with