Arjo at Maine
Arjo at Maine nakalampas na sa galit ng AlDub fans!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - December 22, 2019 - 12:00am

Nakakatuwa na very open na ngayon sina Arjo Atayde at Maine Mendoza sa kanilang relasyon. Kung dati ay hindi pa maamin-amin ng dalawa ang kanilang estado at medyo patago pa ang mga pagkikita, ngayon ay all-out na talaga sila ma­ging sa social media.

Kahapon ay nakumpirma ng lahat na one year na pala ang relasyon nila dahil na rin sa anniversary greetings ni Arjo kay Maine na ipinost sa kanyang Instagram account. Ini-reveal na rin ng aktor na “babs” ang tawagan nila ni Maine.

Nag-post si Arjo na silhouette photo nila ni Maine na magka-holding hands sa tabi ng dagat at sa caption ay isang maikli pero sweet message para sa girlfriend ang inilagay ng aktor.

“Thank you for everything, babs. Happy first anniversary!!! I love you,” caption ni Arjo.

Needless to say, napakaraming kinilig sa post na ito ni Arjo base na rin sa mga komento sa comments section. Happy sila para sa dalawang lovebirds at may nag-comment nga na fan daw siya ng AlDub (loveteam nina Maine at Alden Richards) pero happy raw siya sa magkasintahan.

Looks like nalampasan na nga nina Arjo and Maine ang galit ng AlDub fans at dumarami na ang pumapabor sa kanilang relasyon.

Tom at Carla susulitin muna ang bakasyon

Looking forward na ang fans ng Kapuso couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa kanilang upcoming primetime series sa GMA-7 na Love of my Life.

Na-miss nila na mapanood onscreen ang dalawa kaya todo abang na sila sa nalalapit na pagsisimula ng serye. Makakasama rin ng TomCar sina Rhian Ramos, Mikael Daez at Ms. Coney Reyes sa Love of my Life na isa sa mga pasabog ng GMA-7 sa 2020.

Samantala, sa abroad naman magse-celebrate ng Christmas sina Tom at Carla kasama ang kanilang pamilya. Sa US patungo si Tom ngayong Holiday season para makasama ang kanilang loved ones habang sa Bali, Indonesia naman si Carla.

Tiyak na susulitin ng dalawa ang bakasyon kasama ang kanilang pamilya ngayong Pasko dahil next year ay muli silang sasabak sa taping ng kanilang serye.

ARJO ATAYDE MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with