Gretchen
Gretchen maraming hinahanap na datung ‘Imbestigadora ako’
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - December 22, 2019 - 12:00am

Ewan ko kung bakit kailangan ko ma-stress sa issue ng P150K, Salve. Tahimik ako pero isinali ang pangalan ko nang banggitin kung may natanggap ako na pera from Gretchen Barretto.

Akala ko pa naman matatapos ang 2019 nang quiet para sa akin pero heto nasa gitna ako ng gulo.

I don’t care anymore about the P150K dahil isinoli na ni Dolor ang natirang pera sa kanya na P105K kay Atong Ang.

Sabi ko nga parang magdidiin pa ‘yon kay Dolor sa pagsoli niya dahil ibinigay ‘yon sa kanya nasa discretion niya kung kanino ibibigay o bibigyan at in fairness inamin naman niya na may pera sa kanya.

Now, meron na naman subplot, aside from P150K meron pa daw bukod na 150K para kay Cristy at sa akin. Parang buhol-buhol na ang istorya, mahirap nang ayusin.

Bongga naman si Atong Ang na magbibigay ng P450K, ano siya, factory ng pera? Hay naku, dahil sa P150K nagulo si Joann, si Bettina, si Cristy at ako. Dapat sina Gretchen at Dolor lang ang mag-accounting.

‘Yun lang ang point ko, hindi naman pala lahat nang sinasabi ni Gretchen fabrica­ted, meron palang totoo, ‘yung bigas at P150K.

Si Dolor naman, ipinagkatiwala sa discretion niya kaya kung ano ang gusto niyang gawin, siya ang masusunod.

The moral of the story, huwag akong isali kasi nga maingay na ako, imbestigadora pa, kaya ‘yung andiyan na P150K, isinoli na ang natira.

‘Yun naman P150K para kay Cristy na birthday gift daw ni Gretchen ang hinahanap, pati daw ang P150K para sa akin.

Naku ibigay na lahat ‘yan sa Malasakit Foundation para sa mga anak ni Cesar Apolinario, collect mo na nga Kara David para matapos na ang saga ng P150K + + na ‘yan.

‘I feel so loved, so blessed’

Kaloka talaga ako, hindi talaga magiging quiet ang life ko. Para bang takaw-issue ako na sa lahat nadadamay.

Okey lang. Mabuti na lang, meron pa rin mga bagay na nagbibigay ligaya sa akin. Like for a long time, birthday at Pasko, hindi nakakalimot si Mama Annette Gozon-Valdez na magpadala ng regalo sa akin.

Mga regalo na alam mo na talagang hinanap ni Mama Annette for me, mga pagkain at blouse na sabi niya, ipinasadya niya sa isang mananahi na gumagawa ng malalaking blouse na feeling niya bagay sa akin.

Mga pagkain na sugar free dahil alam ni Mama Annette na diabetic ako, grabe talaga. ‘Yun lang mapadalhan ka ng isang Annette Gozon, malaking bagay na, ‘yun pang talagang hanapin niya iyon what she thinks is right for you?

Grabe, melting talaga ang heart ko. Hay naku, bakit kasi nasasali ako sa kung anu-anong issue pa, eh ang dami ko nang dapat ipagpasalamat sa buhay.

Ang dami kong tunay na circle of friends, ang dami pa rin standing by me. I feel so loved, so blessed. Ay naku Happy Christmas na lang. Thank you Mama Annette Gozon Valdez, thank you MTRCB Chairman Rachel Arenas, Thank you Papa Albee Benitez and Toby Tiang­co. Sa lahat ng mga naniniwala at nagmamahal pa rin sa isang gaga na Lolit Solis, salamat.

GRETCHEN BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with