^

Pang Movies

Alden, susubukang hanapin ang ultimate crush sa Korea!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Alden, susubukang hanapin ang ultimate crush sa Korea!
Lisa

Sa South Korea naman magpa-Pasko si Alden Richards kasama ang kanyang family. Ilang taon na ring tradisyon ng Asia’s Multimedia Star na kapag sumasapit ang Holidays Season, ipinapasyal niya at isinasama sa bakasyon ang kanyang pamilya.

Matatandaang last year ay sa Japan sila pumunta kaya this year ay Korea-bound naman sila. Tinototo ng aktor ang kanyang sinabi na babalik siya sa nasabing bansa kasama ang pamilya.

Last August kasi ay nagpunta ng Korea si Alden nang tumanggap siya ng Asian Star Prize award sa Seoul International Drama Awards. Nabanggit nga noon ng Pambansang Bae na nagustuhan niya ang nasabing bansa at sobrang nag-enjoy siya. Plus siyempre, dito rin naka-base si Lisa Manoban na miyembro ng South Korean girl group na Blackpink.

Hindi lang namin alam kung mag-e-effort ba si Alden na mahanap si Lisa habang naroroon sa South Korea. Pero ang tiyak, isa na naman itong memorable holidays for him kasama ang kanyang pamilya.

Coco at Sam pinaghandaan ang landian

Panalong-panalo ang mga eksena ni Coco Martin bilang Paloma sa Metro Manila Film Festival 2019 entry niyang 3Pol Trobol: Huli ka Balbon.

Napanood na namin ang movie sa ginanap na screening last Thursday at nag-enjoy kami sa buong pelikula lalo na nga ang part na nag-Paloma si Coco.

Matatandaang si Paloma ay naging karakter ni Coco sa FPJ’s Ang Probinsyano na talaga namang pinuri-puri ng mga tao dahil sa ganda ng aktor bilang babae.

Ngayon ay muli niya itong ginawa sa 3Pol Trobol at tama ang sabi ni Coco na talagang version 2.5 ni Paloma ang mapapanood sa movie. Super- effort talaga sila sa bawat eksena ni Paloma na ayon nga sa aktor ay may glam team pa siya para pagandahin at paseksihin siya.

Pati dialogues niya at pati accent niya as New Yorker girl ay on point. Halata mong trinabaho talaga ito ni Coco at ng produksyon meticulously. Laugh talaga kami nang laugh sa mga eksena niya.

Nasabi nga ni Coco sa presscon na last Paloma role na raw niya ito kaya tinodo na niya.

Nakaka-impress din ang mga action scenes and we could say, action director talaga si Coco. Lahat ng action scenes ay pawang magaganda at halatang hasang-hasa na siya sa genre na ito since ilang taon na rin namang siya ang nagdidirek ng FPJ’s Ang Probinsyano.

May chemistry rin sina Coco at Jennylyn Mercado at may surprise na ginawa ang Kapuso Ultimate Star na hindi name-mention sa mga press release at maging sa presscon. Kung ano ‘yun, hindi na rin namin sasabihin at watch n’yo na lang.

Isa rin sa dapat abangan sa movie ay ang “landian” scenes nina Coco at Sam Milby habang tumutugtog ang Ay Ay Ay Pag-ibig ni Ara Mina. Dito talaga tumodo si Coco bilang Paloma, pati na sa swimsuit scene na kita ang kanyang puwet.

Ang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon ay isa sa Metro Manila Film Festival’s Magic 8 entries na opisyal na magsisimula ngayong Dec. 25.

 

LISA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with