_pang-masa
^
Pacman willing gastusan ang pelikula ni Lito
Sen.Lito

Pacman willing gastusan ang pelikula ni Lito

Joe Barrameda (Pang-masa) - December 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang thanksgiving lunch ang ibinigay nina Sen. Lito Lapid at ang anak na si Mark Lapid. Ayaw na niya ng mga interview at basta pasasalamat lang daw. Pero may plano siyang buhayin ang action movies.

May plano rin siyang gumawa ng pagsasamahan na lahat ng action stars noon for a cause. Kaya sana hindi sila maningil ng TF at willing yata si Manny Pacquiao na gastusan ang project.

Kaya hopefully matuloy. Sana nga.

GMA shows sa 2020 inaabangan na

Hindi maitago ng mga netizen at masugid na tagasubaybay ng Kapuso Network ang kanilang excitement matapos mapanood ang omnibus plug ng mga bagong shows ng GMA sa susunod na taon kabilang na riyan ang Descendants of the Sun, Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, Love of My Life, First Yaya at Agimat ng Agila.

Bukod kasi sa mga fresh team up ng Kapuso stars, may mga nagbabalik ding artista na matagal nang hindi napanood sa telebisyon.

Ipinagmalaki pa ni Ymman Jake Biaco na mga palabas pa lang sa Te­lebabad ang kasama sa naturang plug pero super exciting at convincing na.

Dahil sa mga bigatin ang cast member sa mga bagong palabas ng Kapuso Network, hindi na magkamayaw at makapaghintay ang mga viewer na mapanood ang new lineup na ito sa susunod na taon.

MusiKomedya magsisimula na

Ayos na Ayos ang New Year ng mga Kapuso dahil may bagong MusiKomedya na magbibigay ng non-stop entertainment at all-out performances tuwing Linggo ng tanghali, ang All Out Sunday o #AOS. Makiki-jamming at makikipagkulitan muli ang ilan sa mga talented at brightest Kapuso stars na tiyak ay magpapasigla ng Linggo ng mga manonood.

Bukod sa exciting lineup ng performers, hindi rin dapat palampasin ang fun-filled episodes at ang inyong favorite Kapuso stars na kakikiligan ng mga viewers tuwing Linggo ng tanghali. Gawing happy at energetic ang inyong bagong taon at subaybayan ang All-Out Sunday ngayong January 5 na.

PACMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with