Gary V
Gary V. naiyak sa paghahanda sa last concert sa 2020
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - December 17, 2019 - 12:00am

Mangiyak-ngiyak ang mag-asawang Gary at Angeli Valenciano habang pinaplano nila ang last major concert ng singer sa Araneta Coliseum sa April 2020.

Ipinakita ni Angeli ang tila pagpunas ni Gary sa mga luha habang kayakap ang asawa. “This is what happens when you plan his last major concert #Araneta #April #2020,” pahayag ni Angeli.

Nitong taon, naospital si Gary dahil sa ilang sakit at himalang nalampasan niya ang krisis na ito sa kanyang kalusugan.

Walang inilabas na rason sina Gary at Angeli sa planong last concert. Of course, alam ng lahat na diabetic si GV.

Eh kesa humataw pa nang humataw sa concert, mas mabuting protektahan muna ni GV ang kanyang kalusugan, huh!

After all, Gary’s not getting any younger!

Maine umaasa sa pelikula nila ni Arjo

Hoping si Maine Mendoza na makatrabaho sa isang movie ang rumored boyfriend niyang si Arjo Atayde.

Sa naging pahayag ni Meng, may sinusulat daw na script si Arjo at may plano na ring mag-produce.

“So puwedeng mangyari, di ba? Tutal naman, supportive naman ang Ar-Maine fans sa amin,” sey ni Meng.

GARY VALENCIANO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with