^

Pang Movies

Regine, Sharon at Sarah bagay magsama-sama sa iisang stage

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Regine, Sharon at Sarah bagay magsama-sama sa iisang stage
Regine, Sharon at Sarah

Tuloy na tuloy na ang back-to-back major concert nina Regine Velasquez at Sarah Geronimo sa Big Dome (Araneta Coliseum) this February 2020.  Tulad ng Iconic two night sold-out concert nina Regine at Sharon Cuneta last October na ginanap din sa Araneta Coliseum, ngayon pa lamang ay pini-predict na sold-out din that two-night concert ng Asia’s Songbird at Popstar Royalty sa dara­ting na Pebrero to be produced by Viva Live at ng sister-manager ni Regine na si Cacai Velasquez-Mitra.

Sa Christmas special ng ABS-CBN which was aired last Saturday and Sunday ay na-witness ng mga manonood ang unang pagsasama-sama on stage ng Megastar na si Sharon, Regine at Sarah, bagay na magandang panoorin kung silang tatlo ay magsasama-sama rin sa isang major concert na lahat naman posible.

Mauuna muna ang back-to-back concert nina Regine at Sarah at malamang na magkaroon din ng Sharon-Sarah concert bago silang tatlo ni Regine.

Nakakatuwang panoorin ang Christmas special ng Kapamilya Network dahil halos lahat ng kanilang stars and talents ay nag-participate.

Ano kaya ang mararamdaman ng mga Kapamilya stars, talents, executives, personnel, staff, directors, production people at iba pang mga tauhan kapag hindi na ni-renew ang franchise license ng ABS-CBN?

Ang dalangin ng publiko ay huwag naman sana itong mangyari dahil sa rami ng napapasaya at natutulungan ng Kapamilya Network  lalo na kapag dumarating ang iba’t ibang kalamidad maging ang mga abused children. Bukod sa mga empleyado at artista, apektado rin ang mga manonood at ang publiko in general dahil sila ang madi-deprive ng magagandang palabas  at maging ng serbisyo publiko.

Sana ay isantabi umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang personal na galit sa Kapa­milya Network at isipin ang kapakanan at kasiyahan  ng mas nakararami.

Jake pumiyok sa pakikipag-live in kay Kylie

Sa presscon ng pelikulang Mission Unstapabol: The Don Identity ay personal na pinabulaanan sa amin ng Kapamilya actor na si Jake Cuenca na nagli-live-in na umano sila ng kanyang girlfriend, ang dating beauty queen-turned actress na si Kylie Verzosa.

Ayon kay Jake, magkalapit lamang umano ang kanilang tirahan ni Kylie sa BGC (Bonifacio Global City) in Taguig kaya madalas silang makitang magkasama.

Nakikita ni Jake sa kanyang sarili na si Kylie na umano ang gusto niyang makasama for the rest of his life pero ayaw umano niyang madaliin ang lahat dahil bago pa lamang umano si Kylie sa industriya at gusto niyang suportahan ang bagong journey nito sa showbiz.

Sina Jake at Kylie ay unang nagkalapit sa isa’t isa nang gawin nila ang afternoon hit TV series na Los Bastardos.

Samantala, hindi ikinakaila ni Jake na isa umanong malaking karangalan para sa kanya ang makatrabaho sa pelikula sina Bossing (Vic Sotto) at Maine Mendoza sa 2019 Metro Manila Film Festival entry na Mission Unstapabol: The Don Identity na dinirek ni Mike Tuviera under M-Zet Productions (ni Vic Sotto) at APT Entertainment ni Mr. T (Tony Tuviera).

Si Jake at Pokwang na parehong Kapamilya stars ay parehong tampok sa movie nina Bossing at Maine kung saan din kasama sina Jose Manalo, Wally Bayola at marami pang iba.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

SARAH GERONIMO

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with