^

Pang Movies

Ruffa going strong ang relasyon sa foreigner na dyowa

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ruffa going strong ang relasyon sa foreigner na dyowa
Ruffa

‘Di lang pinag-iingay sa social media

Marami ang curious na malaman ngayon kung kumusta na ang love life ni Ruffa Gutierrez dahil hindi na nga siya masyadong nagpo-post ngayon sa social media ng larawan or aktibidades nila ng boyfriend na si Jordan Mouyal. May spekulasyon ngang break na sila pero nang makausap namin ang aktres, mukhang okay naman ang kanyang love life at nag-lie low lang daw siya talaga sa socmed.

Isa na rin sa dahilan kung bakit hindi siya masyadong nagpo-post na about her love life ay dahil sa inang si Annabelle Rama na tutol na tutol nga sa boyfie niya.

Feeling nga raw niya, kahit sinong guy naman daw talaga ay hindi magugustuhan ng kanyang ina for her.

“Parang wala naman siya talagang gusto,” pabulong pang sabi ni Ruffa para hindi marinig ng kanyang ina na narooon din.

Nakatsikahan namin si Ruffa sa presscon na ipinatawag ni Cathy Valencia last Saturday to officially announce na isa na siya sa celebrity endorsers ng mga produkto at services ng Cathy Valencia Skin Care and Aesthetic Clinic.

“So, parang just to keep the peace...” natatawa pang sey ni Ruffa.

“Saka okey na rin ‘yun. Because, you know, like I said, I don’t wanna open share naman, and post weird things na ‘hey baby,’ mga ganu’n. Syempre, may mga dalaga na akong anak.

“You have to set an example also to them, so I would like to lead by example in actions and not just words. So, I’m very careful also of what I post or how I act online, kasi sometimes, pwede nilang sabihin sa ‘yo, ‘eh bakit ikaw?’ Kasi ‘yun ang nangyari sa isang friend ko. Lagi niyang pinapagalitan ‘yung anak niya. ‘Mommy, I just took after you, ba’t ikaw?’ So, ayokong marinig ‘yun,” dagdag pa ni Ruffy.

As we all know, ang boyfriend ni Ruffa ay ang French-Israeli na si Jordan Mouyal at mukhang sila pa rin naman but hindi na nga lang niya ipinangangalandakan pa sa socmed.
Samantala, dahil sa mga anak na sina Lorin and Venice kaya naging endorser si Ruffa ni Cathy Valencia. Panay daw ang punta ng dalawang bagets sa clinic ni Cathy sa Alabang at sobrang rave na rave daw ng mga ito ang product and services ng clinic.

Maging si Ruffa ay nagulat sa laki rin ng improvement ng skin ng kanyang dalawang anak na 15 and 16 pa lang kaya mga facial-facial lang naman daw ang pinagagawa.

Alfred may nadiskubre kay Shaina

Okay lang kay Quezon City 5th District Representative Alfred Vargas na hindi napasali sa Metro Manila Film Festival 2019 ang pelikula niyang Tagpuan with Shaina Magdayao and Iza Calzado dahil hindi naman daw sila talaga nag-expect.

“Hindi naman ganu’n kataas ang expectations natin, pero sabi namin, ‘tara, try natin ipasok.’ Hindi nakapasok, so ita-try na lang naming ipasok sa summer film festival,” saad ni Cong. Alfred nang humarap sa thanksgiving lunch last Saturday.

Okay na rin daw dahil at least ay hindi sila nagmamadali sa post production.

Sa nasabing pelikula at first time niyang makatrabaho si Shaina and he found out na napaka-humble raw pala ng aktres. At ibang-ibang Shaina raw ang mapapanood sa movie.

“She’s very humble. Walang kiyeme-kiyeme. Walang kaarte-arte sa katawan. And we shot in Hong Kong, we also shot in New York, and we had a blast. We enjoyed our stay there,” he said.

Si Iza naman ay maraming beses na niyang nakatrabaho in the past at talagang mahusay na aktres naman daw ito.

“Mas ano si Iza ngayon, parang mas gusto niya ngayon ang pinaka-challenging roles and natutuwa ako kasi sobrang game na game siya sa kahit anon’g character and challenge na ibini­bigay sa kanya. I respect her very much as an actor and as a friend of mine for how many years already, since Encantadia,” sey ni Alfred.

Samantala, sobrang honored and proud ng aktor/pulitiko that he was chosen as this year’s The Outstanding Young Men (TOYM) honoree for Public Service.

Dala-dala nga niya ang kanyang tropeo that day at aniya, talagang very meaningful ang award na ito sa kanya.

“This award means a lot to me because ang laki po ng aking isinakripisyo para lang po mabigyan ng pagkakataon na makapaglingkod,” pahayag ni Cong.

vuukle comment

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with