Annabelle ayaw agawan ng eksena si Ruffa!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - December 15, 2019 - 12:00am

Dumating si Annabelle Rama sa announcement ni Cathy Valencia na si Ruffa Gutierrez ang latest endorser niya pra sa kanyang aesthetic clinic.

Actually, si Ruffa ang “face” ngayon ng premier aesthetic clinic ni Cathy na located sa Icon Plaza sa Bonifacio Global City.

Anyway, kahit nasa presscon si Bisaya, hindi naman siya nagpainterbyu dahil si Ruffa lang daw ang endorser.

“Saka na, kung endorser din ako. Hahaha!” sey ni Bisaya.

Ayaw ni Bisaya na agawan ng eksena si Ruffa.

Dapat daw ang anak ang mag-shine lang sa presscon kahapon.

Bongga!

Mark Striegl sinigurong walang sex video 

Gold medalist sa South East Asian Games 2019 si Mark “Mugen” Striegl.

MMA Fighter si Mark.

Pero sa Sambo siya nanalo ng gold medal sa SEAG.

Ang Sambo raw ang closest to MMA sa SEAG sabi ni Mark.

Malakas nga pala ang appeal ni Mark at dahil nagka-gold siya sa SEAG ay lalo pa siyang nakilala.

Nang makatsikahan ko si Mark ay inusisa ko siya na baka like other athletes na naging controversial dahil sa sex video ay meron din pala siya?

“Definitely, none!” sey ni Mark.

Wala naman daw siyang mga kapilyuhang ginagawa kapag may ka-chat sa internet, kaya imposible na magkaroon siya ng ganoong scandal.

Married na nga pala si Mark at may isang anak.

Sa Tokyo, Japan siya ipinanganak dahil parehong international teachers ang parents niya.

Ang tatay niya ay taga-New York at taga-Calapan, Mindoro naman ang nanay niya.

Naging kontrabida ang hitsura Actor/Politician walang time mag-ahit ng balbas!

Hindi ko type ang hitsura ng isang actor/politician na may balbas pa.

Ang guwapo pa naman niya, pero nagmukha tuloy siyang kontrabida sa hitsura niya.

Busy kaya masyado si actor/politician kaya ni wala siyang time na mag-shave?

‘Yun na!

ANNABELLE RAMA RUFFA GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with