Junior actress na walang trabaho, nagpa-raffle ng gadgets sa mga kaklase ng anak!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - December 15, 2019 - 12:00am

Pabulosa hanggang ngayon ang isang junior actress kahit wala siyang trabaho nang maraming taon, huh!

Eh kasi naman, nagdaos si Junior actress ng isang Christmas party sa bahay niya at invited ang lahat ng classmates sa school ng isa niyang anak!

Take note, nagpa-raffle pa siya at hindi mumurahing bagay ang raffle items niya kung hindi gadgets, malaking LED TV at marami pang iba!

Nagtataka siyempre ang ilang magulang ng mga bata kung kanino kinuha ng junior actress ang ginastos sa raffle, huh!

Alfred ayaw pang pag-usapan ang senado 

Naghandog ng Christmas ang thanksgiving lunch si Congressman Alfred Vargas sa entertainment press bilang pasasalamat at patuloy na suporta sa kanyang pagiging public servant.

“Kung hindi dahil sa inyo, wala ako ngayon sa public service mula councilor hanggang congressman.

“Kagabi isa ako sa napili sa Ten Outstanding Young Men (TOYM) for 2019 sa nagawa ko as public servant. 

“Para ito sa parents ko especially sa mom ko who died of cancer. Para rin ito sa kababayan natin suffering sa cancer. Hindi na nila sasarilinin ang hirap at gastos sa cancer. Kasama na nila ang government sa batas na naipasa natin,” saad ni Cong. Alfed.

Isang termino na lang ang bubunuin ni Cong. Alfred so natanong kung ano ang plano niya after his last term.

“Wala pa po akong plano. Some say na pasok daw ako sa Senado. Saka na po yan!” saad ng kongresista.

Sa totoo lang, dahil may nga recess sa Kongreso, nakatapos ng dalawang pelikula si Cong. Alfred, ang Kaputol at Tagpuan.

ALFRED VARGAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with