Maine
Maine nagsalita sa pelikulang gagawin nila ni Arjo!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - December 15, 2019 - 12:00am

“Sana, lagi lang siyang masaya,” ang sagot ni Maine Mendoza nang matanong sa presscon ng Mission Unstopabol: The Don Identity kung ano ang Christmas wish niya sa dating ka-loveteam na si Alden Ri­chards.

When asked kung kailan ba mangyayari ang pinakaabangan ng lahat na pagsasama nilang muli sa project, ayon kay Maine ay open naman daw siya, of course.

“Opo naman, open naman. Antayin lang natin ang tamang panahon, ng tamang materyal,” she said.

But so far, talaga raw wala pang plano.

“Kasi marami rin po yatang naka-line-up sa kanya din and sa akin din. So, siguro, separate ways muna kasi chance din ‘yun for us to grow, maraming makilala, maraming ma-experience.”

Napakaganda raw ng taong 2019 para sa kanya at isa raw ito sa pinaka-best years of her life. Isama na rin daw siyempre dito ang kanyang bonggang lovelife.

Nang matanong naman kung may posibilidad ba silang magsama sa isang project ni Arjo Atayde, aniya ay sana raw lalo pa nga’t may sinusulat na story ngayon ang aktor para sa kanilang dalawa.

“Nagpo-produce na rin naman siya, so...”

Tungkol naman sa kontrobersyal na dinner nila with Arjo’s family right after na manggaling siya sa Dubai, inamin ni Maine na siya talaga ang nag-invite sa Atayde family to have dinner together.

“Napag-usapan lang po before, kasi, hindi na po nasundan nun’g na-meet ko ‘yung parents sa bahay nila and nasakto pa ‘yung 2 movies, tapos nagse-segue ako, so parang sinabi ko lang kay Arjo na ‘ito na, may free time na, so dinner na tayo,’” kuwento pa ni Maine.

Jennylyn may payo kay Coco

Hindi issue kay Jennylyn Mercado kung nauna man sa billing sa kanya AiAi delas Alas sa pelikulang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon with Coco Martin. Marami kasi ang nagsasabi na siya dapat ang nauna dahil siya ang leading lady. “Hindi, okay lang ‘yun, hindi naman importante ‘yun,” she said.

Pakiusap pa ng GMA-7’s Ultimate Star ay huwag na raw gawing issue dahil wala namang problema sa kanya ‘yun.

When asked kung ano ang masasabi niya kay Coco bilang direktor, ani Jen ay napaka-maalaga raw nito at laging tinatanong sa kanya kung okay lang siya.

“Maya’t maya ‘yan, itse-check niya kung okay kaming lahat,” she said.

Feeling nga raw niya ay hindi na natutulog si Coco dahil ito na ang producer, ito pa rin ang direktor at artista ng movie.

“Nagte-taping pa ‘yan (ng FPJ’s Ang Probinsyano) bago pumunta sa shooting so, talagang bilib ako sa determination, sa passion niya, sa drive niya, sabi ko, ‘saan ba niya kinukuha ang energy niya?’ Makahingi nga, di ba? Grabe po talaga,” sey pa ni Jen.

Kaya ang payo niya sa kanyang direktor at leading man, “direk, pahinga rin, pag may time.”

Napakaganda raw ng experience niya while doing the film at iba nga rin daw ang atake nito bilang direktor.

Samantala, ngayong Pasko ay hindi raw sila lalabas ng bansa ng boyfriend na si Dennis Trillo at dito lang sila sa Pinas since may MMFF movie nga siya.

After ng MMFF, ratsada na si Jen para sa paghahanda ng first concert nila ni Dennis titled CoLove Live, The Concert na gaganapin sa Feb. 15 sa New Frontier Theater.

Kris, Willie, Bimby at Josh parang happy family!

Panay ang kantyaw na naman kay Kris Aquino ng netizens dahil sa ipinost niyang larawan nila ni Willie Revillame kasama ang kanyang dalawang anak na sina Joshua and Bimby.

Sa nasabing larawan ay para nga naman kasi silang isang masayang pamilyang apat at para silang magulang ng dalawang bata.

Kaya naman sa comments section ay may mga nag-comment na sana ay sila na lang dalawa.

Pero diniretso na agad ni Kris ang mga netizens na walang pwedeng ibang mangyari sa kanila ni Willie.

“We’re not interested in each other. Matulog na tayo,” ang straight to the point na sagot ni Kris.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with