Vic hindi iniisip na magiging MMFF top grosser
Vic
Vic hindi iniisip na magiging MMFF top grosser
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - December 15, 2019 - 12:00am

“Hindi na importante sa akin kung topgrosser ako o first runner up lang. Kahit na nga second runner pa ok lang sa akin eh. Basta ang mahalaga kumita ang pelikula ko, kumita rin ang ibang mga pelikula, at masiyahan ang mga tao sa mga pelikula naming lahat sa festival.

“Basta ako ang feeling ko lang, hindi kumpleto ang Pasko ko kung wala akong pelikula sa festival. Nakasa­nayan ko na iyan eh. Kaya  naman at saka hanggang nakukuha mo ang suporta ng publiko sige lang,” sabi ni Vic Sotto noong media launch ng kanyang festival movie na Mission Unstapabol: The Don Identity.

Hindi kasi maiiwasang tanungin si Vic kung target ba niyang maging topgrosser sa festival dahil may panahong sunud-sunod na taon siyang topgrosser. At hindi man siya ang maging topgrosser sa sampung araw na festival, lumalabas na in the end dahil mas mahaba ang kanyang playdate, mas malaki pa rin ang kita ng kanyang pelikula.

“Ang importante lang sa akin iyong maging masaya ang mga bata eh, after all sa kanila ang Pasko talaga,” sabi pa ni Vic.

Si Vic Sotto nga siguro ang isa sa ating mga artista na nakagawa ng pinakamaraming hit movies. Maliban kina Fernando Poe Jr., at Mang Dolphy, sinasabi nilang si Vic na ang box-office king for all time. Hindi lang naman kung festival kumikita ang kanyang mga pelikula. Kahit na iyong mga pelikula niyang inilalabas nang karaniwang panahon nagi­ging malalaking hits.

“Wala naman kaming sikreto sa pelikula. Basta gumawa kami ng pelikula ang iniisip lang namin ano ang mas makakapagpasaya sa mga manonood sa amin. Kagaya ngayon, iyang Mission Unstapabol, medyo action ang tema ng pelikula. Gumawa naman kami ngayon ng kumbinasyon ng comedy at action para maiba naman,” dagdag pa ni Vic.

Iyon naman ang tama talaga. Kung gagawa ka ng pelikula, ang isipin mo ay iyong magugustuhan ng audience mo dahil kung hindi mangangamote sa takilya.

Maine gusto nang lumagay sa tahimik

Aminado naman si Maine Mendoza, mahirap din talaga iyong naging buhay nila ng dating ka-love team na si Alden Richards. Ngayon lang niya inamin na minsan kailangang pag-usapan nila kung ano ang kailangan nilang gawin o sabihin dahil iginigiit nga ng fans na silang dalawa ay may totoong relasyon kahit na sa tunay na buhay ay wala naman.

Hanggang ngayon, hindi pa rin matanggap ng iba na may boyfriend na nga si Maine at hindi si Alden iyon. Kaya kung minsan sinasabi nga niyang “malaking relief” kung ang pelikula niya ay kagaya niyang Mission Unstapabol, dahil wala siyang leading man, at ang kasama niya ay si Vic Sotto.

Ewan kung kailan nga ba maiintindihan ng kanyang fans si Maine, na nagsabing gusto na rin niyang lumagay sa tahimik, meaning ang palagay niya ay nakita na niya ang kanyang magiging lifetime partner. Hindi nga lang daw puwede agad, dahil magkakasunud-sunod naman silang magkakapatid.

Sinasabi ni Maine, na siguro mga three years from now, iisipin na niyang lumagay sa tahimik and hopefully pagdating ng panahong iyon, matapos na iyong pamimilit ng iba na silang dalawa ni Alden ang dapat na magkasama.

Hayaan na naman nila kung saan talagang liligaya si Maine.

VIC SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with