Ryu
K actor na bida sa Miracle… dadating sa premiere ng movie ni Aga?!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - December 15, 2019 - 12:00am

Malaking bonus nga kung sakaling makadalo ang bida ng Korean version ng Miracle In Cell No. 7 na si Ryu Seung-ryong sa premiere ng Metro Manila Film Festival 2019 entry ni Aga Muhlach na Philippine adaptation ng nasabing pelikula.

With his presence sa premiere raw ay makakatulong ito ng malaki sa box-office success nito. But, as it is, Aga, plus Viva Films and it’s director Nuel Naval and script writer Mel del Rosario, are all pretty satisfied with the feedback the movie is getting from those who have already seen it.

“Iyan naman ang gusto ng Viva Films, ang magustuhan ng manonood ang movie. For them, for us, rather. That’s more than a bonus na,” anang member ng production staff ng pelikula.

Miracle… aside from Aga, also stars Bela Padilla and Xia Vigor, and a string of talented actors, such as Joel Torre, John Arcilla and JC Santos, who all agreed to play supporting roles.

We heard that Ryu Seung-ryong had already seen the local version of Miracle….

Aga on the other hand, said, he has yet to watch Miracle’s Korean Version.

Maine at Arjo nag-uusap na sa kasal!

Sa presscon for his MMFF entry na Mission Unstapabol: The Don Identity, Vic Sotto, otherwise known as Bossing among his colleagues, was his usual na matipid sumagot sa mga tanong ng entertainment press tungkol sa pelikula.

Hindi gaanong nagtagal ang presscon, at dali-dali rin siyang umalis. Hindi tuloy namin siya natanong tungkol sa reaction niya sa balitang nagkakamabutihan ang kanyang anak kay Connie Reyes na si Pasig City Mayor Vico Sotto at ang kilalang athlete at TV host na si Gretchen Ho.

Na-meet na niya kaya si Gretchen in person?

Samantala, Maine Mendoza, ang ka-partner ni Bossing sa Mission… is more open na ngayon sa pagpapa-interview kahit pa tungkol sa kanyang lovelife.

Ayon sa kanya, napag-uusapan na raw nila ng boyfriend niyang si Arjo Atayde ang kasal, pero they both know na hindi pa iyon mangyayari soon. Pero ang tiyak ay ang lalong pagganda ni Maine. No doubt, inspired siya.

Mission Unstapabol… is a production of APT Entertainment Inc. and MZET Productions.

Directed by Mike Tuviera, the other stars of Mission… is Pokwang, Wally Bayola, Jose Manalo at Jake Cuenca.

Featured din sina Tonton Gutierrez, Lani Mercado, Clint Bondad, Max Collins at Sarah Lahbati.

Jake ganadong mag-trabaho

With Jake Cuenca naman, he is not just inspired but need to work harder really. Not because he and Kylie Versoza are considering marriage na, but because raw ang gaganda ng projects na natatanggap niya ngayon after daw ng serye niyang Los Bastardos kung saan nakasama niya sina Ronaldo Valdez, Albie Casiño, Joshua Colet, Joseph Marco, Maxine Medina, Kylie Versoza at Gloria Diaz.

Currently streaming now sa iWant ang serye nila ni Shaina Magdayao na The Haunted. Kasama rin nila sa nasabing serye si Denise Laurel at Rita Avila.

He might start daw a new film.

Alfred target ang mataas na position

Happy kami for Alfred Vargas dahil sa current achievement niya nang mapabilang sa Ten Outstanding Young Men (TOYM).

I remember I was with some entertainment press, when ABS-CBN introduced him and their new discoveries, who also included Piolo Pascual and the late Rico Yan.

Marami among us ang kaagad nag-agree na star potential si Alfred since he was not only tall and good-looking but very pleasant and articulate.

Sayang nga lang at before nabigyan siya ng break sa showbiz, he switched sa pagiging politician.

No one can argue that he is one of the most promising and popular politicians around, especially sa Quezon City, where he is currently a representative.

Rep. Alfred may, in the near future, seek for a higher office. And I guess, he will. As he seems to have prepared for it.

He just graduated with a master’s degree in Public Administration for U.P., no less.

Back to showbiz, in a way si Rep. Alfred as he has a movie, Kaputol, which will premiere sa Gateway Theater, Monday, December 16. Noted actress Cherie Gil co-stars with him.

Happily married siya kay Jasmine Espiritu kung saan may tatlo na siyang anak.

RYU SEUNG-RYONG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with