^

Pang Movies

Sen. Lito makikipagkita

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sen. Lito makikipagkita
Sen. Lito

Ang bongga naman si Senator Lito Lapid dahil magkakaroon siya ng meet the press for a Christmas lunch bilang pasasalamat na rin at para makita niya ang mga showbiz writer.

May thanksgiving lunch  din si Congressman Alfred Vargas dahil gusto nito na i-share ang happiness niya sa Ten Outstanding Young Men award na ipinagkaloob sa kanya kagabi sa Manila Hotel.

Gustung-gusto ko ang mga ganitong gesture ng mga celebrity-turned-politician dahil  hindi sila nakakalimot sa kanilang mga kasamahan sa entertainment industry.

Isang malaking pamilya ang showbiz, magkakasama sa tuwa, nakikiramay sa lungkot at nagkakaisa sa paglaban kapag may issue.

One big happy family sharing emotional friendship kahit may network war at iba- iba ang productions na kinabibilangan.

May special connection sila, emotionally, sa isa’t isa. Let’s go. Join tayo sa kanilang  moment of happiness. Happy Christmas!

Walk of Fame ng GMA magandang incentive sa mga artista

Gusto ko ang Kapuso Walk of Fame ng GMA 7 na comparable sa Hollywood Boulevard, Salve.

Nakikita sa Hollywood Walk of Fame ang mga bituin, handmark at autograph ng mga sikat na artista na isa nang tourist attraction at naging inspirasyon ng Walk of Fame sa Libis na sinimulan ni German Moreno.

Magandang incentive sa mga star na magkaroon ng sariling bituin sa Kapuso Walk of Fame dahil maituturing ito na isang achievement.

At dahil nga panlaban din ng GMA 7 ang News & Public Affairs staff, kasali rin ang mga news anchor at reporter sa mga binigyan ng star sa Walk of Fame ng Kapuso.

Congrats sa lahat  ng tumanggap ng pambihirang parangal at sure ako na mas marami pa ang stars ang makakasali sa Walk of Fame ng GMA 7.

The Clash magkakaalaman na

Bukas, December 15, ang live telecast ng grand finals ng The Clash kaya may mga naloka dahil pumirma si Lani Misalucha ng kontrata sa Star Records bago pa natapos ang singing competition ng GMA 7.

Hindi ko nasusubaybayan ang mga nagaganap sa career ni Lani pero may nagsabi sa akin na ganoon din ang nangyari sa Season 1 ng The Clash. Pumirma rin siya ng kontrata bago pa man nag-babu ang The Clash.

Well, baka naman may sariling dahilan si Lani kaya hindi siya dapat i-judge agad. Malay natin, ‘yun lang ang kanyang free time para pumirma ng kontrata.

Anyway, sasabak na bukas sa kanilang huling laban ang mga natitira na Clashers sa grand finale ng The Clash. Malalaman na natin ang hihirangin na grand champion ng Season 2 ng all-original Filipino singing competition ng GMA Network.

vuukle comment

SEN. LITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with