^

Pang Movies

Coco hindi takot sa mabibigat na kalaban sa MMFF!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Coco hindi takot sa mabibigat na kalaban sa MMFF!
Coco

Pawang mga excited sina Coco Martin, AiAi delas Alas, Sam Milby at Jennylyn Mercado sa Metro Manila Film Festival 2019 movie nila na 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon produced and directed by Coco himself. For one, ito ang ­unang pagkakataon na magkakasama silang apat sa isang pelikula.

Si Jen at Coco ay dati na palang nagkasama sa independent film na Nurse noong 2007 pa.

“Ang tagal bago nasundan pero sobrang saya ko nun’g isa ako sa mga napiling cast dito sa 3Pol Trobol,” sabi ni Jen.

Si AiAi naman ay first time raw niyang nakasama si Coco bilang aktor at direktor.

“Siya ang dahilan kung bakit bumalik ulit ako sa gym, para maka-cope up ako sa energy niya, kasi hyper ‘to, eh. Pag sinabi niyang 5 o’clock on the set, 5 o’clock andun kami lahat, and ako, masaya ako as artista, kasi siyempre sa dami ng nagawa kong pelikula, natutuwa ako kapag sinabi niyang 5 o’clock on the set, nagme-make-up lang kami, tapos game na agad,” sey ni AiAi.

Si Sam ay nakasama na rin niya before si Coco sa seryeng Idol noong 2008.

“When I was offered this role, hindi ako nagdalawang-isip. Of course, Coco Martin ‘yan and there’s a reason why he is where he is right now. He’s one of the hardworking people sa showbiz ngayon and yes, it’s such a fun and exciting project,” sey ni Sam.

Dahil nga mabibigat din ang kalaban sa filmfest, natanong ang cast kung may pressure ba silang nararamdaman, at ayon kay Coco ay wala naman daw.

“Kasi, siyempre, ako nag-edit, ako nakakita ng buong materyal. Honestly, sobrang excited na excited ako. Everytime naman, eh. Everytime naman na gumagawa ako ng project o pelikula, ayoko kasing nadi-dissapoint ang mga tao. Na parang lolokohin mo sila sa promo, tapos hindi ka proud after. Du’n, makikita mo ang nerbyos.

“Ako, honestly, sabi ko nga, hindi man kami siguro enough dahil wala kaming ka-co-prod na Star Cinema or Viva or anumang malalaking film outfit, proud ako kasi, ang hinihintay ko ay ‘yung after mapanood ‘to ng mga tao.

“Kasi, kumpiyansa ako du’n sa proyekto, eh. Sa materyal namin. Kasi nun’g ginagawa namin ang pelikula, ang iniisip namin ay ang manonood. Hindi para makipag-compete sa kahit anong pelikula.

“Honestly, masaya kami ang proud kami na halos lahat ngayon ng mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival ay lahat, magaganda. Kung baga, parang ang ihahandog namin ngayon sa mga tao ay magagandang pelikula at alam namin sa sarili namin na isa po kami do’n. Kaya sobra po kaming proud at hindi nape-pressure para sa Metro Manila Film Festival,” saad ni Coco.

When asked kung totoo bang  sinabi niyang payag siyang maging runner-up lang sa movie ni Vice Ganda na The Mall, The Merrier, ani Coco, never naman daw ka­sing naging issue sa kanya ang ganung bagay.

“Honestly, wala kasi akong issue about du’n sa kung sino ang no.1, kung sino ang no.2. Di ba, parang iisipin mo pa ba ‘yun sa dami ng ano. Basta sabi ko nga, siguro naman, dapat kinakabahan ako ngayon or alam mo ‘yun?” sey pa ng aktor.

Kung siya raw ang tatanungin, okay lang sa kanya kahit anon’g number pa siya sa box office dahil ang mas importante ay proud siya sa kanyang ginawa lalo pa nga’t siya ang nagdirek, nagsulat at nag-produce nito.

“At alam kong hindi ako napahiya sa mga co-actor ko kasi, artista rin ako, eh. Alam ko pag pangit ang pelikulang ginawa ko, ang lungkot after. And then, hindi ka na nila gustong makatrabaho. Eh eto, proud ako kaya confident ako,” sey ni Coco.

vuukle comment

COCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with