Kris
Kris may gustong gawin next year
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - December 14, 2019 - 12:00am

Masaya ang Kapuso actress na si Kris Bernal dahil nakadalawang star na siya sa walk of fame. Una ay sa Eastwood Walk of Fame noong 2017 at ngayon naman sa Kapuso Walk of Fame na in-unveil noong December 12 sa GMA Annex Building along GMA Drive.

Nagulat nga si Kris na nakasama siya sa unang batch ng Kapuso stars na mabigyan ng star sa Kapuso Walk of Fame. Malaki ang pasasalamat ni Kris sa GMA-7 dahil simula noong manalo siya sa StarStruck season 4, hindi siya nawalan ng projects.

Three years na palang karelasyon ni Kris ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Perry Choi. At may feeling daw siya na next year ay may magandang sopresa sa kanya ang boyfriend.

Next year din ay maraming plano si Kris para sa kanyang sarili. Palalawakin niya ang kanyang social media presence at may bago siyang ilu-launch na business.

Pamilya Pacquiao pinupuri sa pagiging humble

Marami ang natuwa sa vlog ng Pacquiao family dahil kitang-kita ang pagiging malapit nila sa isa’t isa.

Sa pinost na video sa YouTube channel, makikita ang isang Sunday sa bahay ng Pacquiao family mula sa kanilang bahay hanggang sa pag-attend nila ng church service.

Kapag nasa bahay naman sila, nagbo-bonding pa rin sila sa pamamagitan nang pagsayaw.

Ang naturang video ay nakakuha ng higit na 900,000 views at tumataas ito araw-araw.

Nakatanggap ng maraming papuri ang bonding nina Manny Pacquiao, Jinkee at mga anak na sina Mary Divine, Emmanuel, Queen, Israel at Michael. Kahit nga saksakan sila ng yaman, ramdam mo ang pagiging humble nila dahil sa simpleng paraan ng kanilang pagsasama.

 

KRIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with