Catriona, Erickson & Kris
Kris at Catriona puwede nang magkatrabaho
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - December 14, 2019 - 12:00am

Parehong si Erickson Raymundo ang ma­nager nina Kris Aquino at Catriona Gray under Cornerstone Entertainment Inc., kaya masusundan pa ang kanilang pagkikita at pagsasama sa litrato.

May mga nagtaka kasi kung bakit magkasama sina Kris at Catriona na nangyari sa Christmas Party ng Cornerstone. Ang manager niya at mga taga-Cornerstone ang  kasama ni Catriona sa contract signing niya sa ABS-CBN Publishing. Susulat na rin kasi ng libro si Catriona.

Anyway, sinagot ni Kris ang pagwi-wish ng isa niyng fans for a healthier Kris. Sabi ni Kris, “another month to 6 weeks and God willing tamang combination of medicines, vitamins, minerals, health supplements, correct rest & wellness activities.”

Michelle, nagpapagaling na sa ipinatapyas na boobs

Ibinalita ni Michelle Madrigal na sumailalim siya ng Explant surgery o inalis ang breast implant na inilagay sa kanya 12 years ago na sabi nito, kinailangan to boost her confidence and vanity purposes.

Ginawa kay Mitch ang Explant surgery noong December 10 at noong isang araw, ibinalitang successful ang Explant surgery. Pinost nito ang picture niya habang nasa ospital at ang photo na kasama ang asawa niyang si Troy Woolfolk. May picture rin na maliit na ang boobs niya.

Post ni Michelle: “I did it y’all!!! I was so nervous this morning because I wasn’t sure what to expect post surgery (how my boobs would look without implants). Then, I woke up feeling lighter and happier knowing that I am on the way to healing and recovery. Thanks to my hubby @twoolf29 for being my rock.”

Kabilang si Iya Villania sa humanga kay Mitch at ang ibang followers nito ay nag-wish for her fast recovery. Six weeks daw siya kailangang magpagaling at kapag magaling na, saka pa lang niya mababalikan ang pagwu-workout.

DJ Aya papasang komedyante

Aliw ang entertainment press at bloggers kay DJ Aya (Aya Fernandez) na naging co-host ni Thess Gubi ng Star Magic sa ABS-CBN Entertainment Media Christmas Party na ginanap noong Huwebes. Dahil DJ at sanay dumaldal, hindi naubusan ng sasabihin si Aya at may kasama pang humor at punchline na biglang isinisingit.

Kung si Thess ay naloka kay Aya, lalo na ang press people at comment nga ni Eugene Asis na entertainment editor, witty si Aya at puwedeng maging komedyana.

Nag-enjoy din ang press at bloggers sa Star Magic talents na kumanta gaya nina Jayda, Alexa Ilacad at Renee Dominique na kakaiba ang boses. May iba pang Star Magic talents na dumating para bumati at mag-participate sa raffle.

Aicelle may star na rin

Nakakatawa ang hashtag ni Aicelle Santos sa pagkakasama sa Walk of Fame ng GMA Network na kung saan, may sariling star ang Kapuso talents nila.

Pinost ni Aicelle ang picture niya katabi ng kanyang Walk of Fame star at ang sabi, “Akalain mo! #nasapalagako #kapuso #amazinggrace.”.

Comment ng followers ni Aicelle, deserving siya na bigyan ng sariling star sa Walk of Fame dahil kinilala ang talent niya rito at sa ibang bansa.

KRIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with