^

Pang Movies

Anak ni Jomari, kampi sa ex ng tatay?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Agence France-Presse
Anak ni Jomari, kampi sa ex ng tatay?!
Andrei Yllana

Habang nananahimik lamang si Aiko Melendez sa mga sinasabi ni Joy Reyes laban sa dati niyang asawang si Jomari Yllana, marami ang nagulat nang mag-post ng comment ang anak nilang si Andrei Yllana at nagsabing “21 years po akong naghintay tita.”

May mga nagsasabing sa tono ng kanyang comment, mukhang kinampihan ni Andrei ang naging live-in partner ng tatay niya na nagrereklamong ni hindi pa raw kumpleto ang sustento noon para sa kanilang dalawang anak sa buwan ng November.

May nagsasabi namang hindi, dahil baka raw ang ibig sabihin ni Andrei, isang buwan pa lang na naghihintay ang dating live-in partner ng tatay niya samantalang siya ay naghintay ng 21 years, at hindi sila umangal ng ermat niya.

Siguro naman kaya ganoon ay magkaiba ang sitwasyon nina Aiko at Joy Reyes nang hiwalayan ni Jomari. Kasi noong panahong iyon, kasagsagan din ng career ni Aiko. Malaki ang kita niya kaya hindi man nagbigay ng suporta si Jomari, kayang-kaya niyang buhayin ang kanyang anak. Wala na ring naging habulan dahil hindi naman nagtagal nagkaroon na rin ng affair si Aiko at nakapag-asawa ngang muli nang makuha ang annulment ng kasal nila ni Jomari.

Iyon namang Joy, kahit na noong una ay may career din naman kahit na papaano, tumigil dahil gusto raw ni Jomari na ibuhos ang panahon niya sa kanilang pamilya. Kaya ngayong hiniwalayan siya, jobless pa rin siya.

Pero kung ano man ang talagang ibig sabihin ni Andrei sa kanyang post na “21 years akong naghintay tita”, maliwanag na sinabi niyang nagpabaya rin kahit na sa kanya si Jomari.

Nadine hindi natulungan ng pagiging singer

Pumirma ng kontrata si Nadine Lustre, isang recording contract sa kumpanya mismo ni James Reid, iyong Careless Music.

Bilang isang singer, wala pa namang masasabing accomplishment si Nadine. Buti pa nga bilang artista dahil nanalo na siya ng awards, sabihin mo mang hindi kumikita ang mga pelikula niya lately. Iyon namang kumpanya ni James, bago pa lang ay hindi pa nakakagawa ng isa mang hit. Ang nai-release pa lang naman noon ay iyong kanta ni James na hindi mo rin masyadong naririnig.

Kung ang pagbabatayan ay isang musical career, mukhang maling diskarte iyan para kay Nadine. Pero inaasahan naman ni James na sasama siya talaga sa kumpanya come what may eh. Noon nga sinasabing pati career management sasama siya sa Reid Entertainment. Kung iyon ang mangyayari, baka nga iyon na ang the end.

Sex video gamit na gamit ng mga gustong sumikat

Sumasayaw sa isang party ang isang grupo ng “contest winners”, pero hindi halos pansin ang kanilang pagsasayaw, hindi naman sila magaling eh. Ang pinagbubulungan ay iyong isa raw sa mga iyon ay may kumakalat ding sex video. Ewan nga ba kung bakit ganoon ang nangyayari sa ngayon. Iyang mga kabataang lalaking iyan na naghahangad sumikat, malamang sa hindi gumawa ng sex video.

Palagay ba nila iyon ang susi para sila mapansin at sumikat? Maaaring napag-uusapan nga sila pero hindi naman magandang usapan, eh di wala rin.

Dapat matuto na sila, dahil tiyak iyan basta sumikat pa sila, pagsisisihan nila iyon nang husto.

vuukle comment

ANDREI YLLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with