Bianca
Bianca hindi sinasadyang magpa-sexy
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Agence France-Presse) - December 13, 2019 - 12:00am

Kahit panay ang buyangyang sa social media

Achieved na ng Kapuso actress na si Bianca Umali ang magkaroon ng Walk of Fame. Isa si Bianca sa Kapuso personalities na nabiyayaan ng Walk of Fame kahapon kasama sina Yasmien Kurdi, Kris Bernal, Miguel Tanfelix, Roi Vinzon at iba pa.

Next month, January, sasabak na si Bianca ng shooting para sa HBO Original series na Half Worlds Season 3 na kukunan dito sa Pilipinas.

Tikom ang bibig niya sa iba pang detalye sa role niya. “Sabihin na lang natin na ako ang The Chosen One,” saad ni Bianca nang makausap ng press.

Sexy ba ang costume niya?

Sa nakaraang photog sa Instagram, seksing-seksi siya sa two-piece bikini niya.

“Hmmmmm. Ano ba? Abangan ninyo na lang po! Ha! Ha! Ha!” bitin na tugon ni Bianca.

“Actually, ang dami-daming nagtatanong sa akin about the sexy photos that I’ve been posting. Kung ‘yun na raw ba ang image. Am I ready for daring and mature roles.

“Being sexy is never an intention for me. Kapag nagpu-post po ako, hindi ‘yung ito ang gusto kong hitsura. Heto na ang goal ko. Hindi po ganoon.

“Gusto ko ‘yung memories. Not my intention to be sexy. Hindi rin siya goal for me,” rason ni Bianca.

Wala bang niretoke sa parte ng katawan niya?

“Wala po! Proud po ako!” diin niya. “Kasi ang dami pong nagsasabi niyan! Ha! Ha! Ha!” diin niya.

Wala bang nagbabawal sa kanyang magpaseksi?

“Wala naman po!” sagot ni Bianca.

Teka, ano ang sabi ni Ruru Madrid sa Walk of Fame niya at sa HBO series niya.

“Congratulations! Si Ruru very supportive naman ‘yan! Sa aming dalawa, suportahan lang,” aniya.

Kayo ba ngayon?

“Ha? Kayo talaga!” sagot niya.

In love na siya ngayon?

“Yes!” deklara ni Bianca.

BIANCA UMALI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with