^

Pang Movies

Coco nagpakita ng puwet sa pelikula

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Agence France-Presse
Coco nagpakita ng puwet sa pelikula
Coco

Sa pelikulang 3Pol Trobol ni Coco Martin na entry to the 45th Metro Manila Film Festival, bitbit pa rin ng aktor ang kanyang co-stars sa FPJ’s Ang Probinsyano tulad nina John Prats, Mark Lapid, Long Mejia, Jhong Hilario, Sancho delas Alas, Pepe Herrera, Carmi Martin at marami pang iba.

Ayon kay Coco, magagaling na aktor din daw kasi ang co-stars niyang ito at gamay na niya.

“Kasi siyempre, pag ikaw ang nagdidirek, ayaw mo nang isipin na magwo-workshop ka on the set o tuturuan mo pa. Siyempre, kung saan ka na mas kumportable, kilala na ang ugali mo, alam na nila ‘yung pacing mo, kumbaga, parang nagtatrabaho ako na katrabaho ko ang kapamilya ko.

“Kaya sila po ang lagi kong kasama-kasama sa kahit anon’g ginagawa ko. Saka sila po talaga, maasahan mo in terms of kahit saan – promo, lahat ng ano – hindi na kami nag-uusap-usap, automa­tic na ‘yan na nagkakaintindihan na po kami. Talagang higit pa sa barkada at pamilya ang turingan po namin,” pahayag ni Coco kahapon sa grand mediacon ng 3pol Trobol.

Pero kahit mga taga-FPJAP ang kasama niya sa movie, aminado naman si Coco na talagang may conscious effort on his part na ibahin ito completely sa kanilang serye at hindi puwedeng kung ano ang nakikita sa TV ay makikita rin sa big screen.

“Sobra. Kasi, alam ko naman ‘yun, eh. Kung baga, ako rin ang creative ng Probinsyano, alam ko na hindi pupuwedeng napanood mo na ‘yung papanoorin mo dito. Kasi siyempre, mapapahiya ako. Ako ‘yung gumagawa ng Probinsyano, ako rin gumagawa nito, tapos pag pinanood mo, parang pareho lang,” ani Coco.

Definitely ay ibang-iba raw ang mapapanood ng mga tao sa movie.

“Iniba ko siya. Definitely, magkalayung-magkalayo ‘yung karakter ko, tapos sabi ko, kung nag-Paloma man ako dito, ibang-ibang Paloma siya. Kumbaga, x5,” dagdag pa ni Coco.

Si Paloma ay ang babaeng karakter ni Coco sa FPJAP na matatandaang talaga namang pinag-usapan noon. Mapapanood ulit si Paloma sa 3Pol Trobol at sey ng aktor, tinodo na niya ang portrayal.

“Sinagad ko na siya. Sabi ko nga, huling beses ko na gagawin ‘yung karakter ni Paloma, sasagarin ko na.

“So ngayon, pag ina-analyze ko, anon’g pinakamahirap na pelikulang ginawa ko? ‘Eto,” sambit pa ni Coco.

“Kasi, ang hirap. Pag nakita nila ‘yun na ang hirap magbihis babae, talagang in-effort-an ko, lahat ng looks ko, talagang iniba-iba ko. Hindi ako ‘yung parang palit-make-up lang, lahat, contact lens, kuko, palit. Ako ‘yung pinakamaagang dumadating sa set kasi nga, 1 ½ hours akong mine-make-up-an, tapos bibihisan ako ng kung ano-anong nilalagay sa akin para maging sexy.”

Natatawang kwento pa niya, lahat daw ng palaman ay nilagay sa kanyang katawan para maging sexy.

Pero ang rebelasyon ni Coco, nagpakita raw siya ng puwet sa movie bilang Paloma. Naka-swimsuit daw siya sa isang eksena nila ni Jennylyn Mercado.

“Napasubo ako. Pero ibang-ibang Paloma, talagang sinagad ko na,” ani Coco.

Si Jen ang leading lady ni Coco at kasama rin sa movie si AiAi delas Alas and Sam Milby. Aside from being the lead star and the director, ang aktor din ang nagsulat ng script at nag-produce under his CCM Productions. Showing this Christmas Day, Dec. 25.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with