Bianca ipu-push pa ng GMA!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Agence France-Presse) - December 13, 2019 - 12:00am

10 years nang Kapuso ang actress na si Bianca Umali, at muli siyang pumirma ng kontrata last Wednesday, December 11 sa GMA Network. 

Naging emosyonal si Bianca sa pagpapasalamat sa mga big bosses na present sa contract signing, sa suporta sa kanya sa loob ng 10 taon, na nagsimula pa siya bilang isang child star. 

Nagtuluy-tuloy ang projects niya sa GMA-7 na si Miguel Tanfelix ang lagi niyang ka-loveteam.

At sa pinakahuli niyang ginawang project ang e­pic teleserye na Sahaya ay patuloy na nagkakamit ng award. Nagkamit ito ng Best Drama Series/Program mula sa Catholic Mass Media Award (CMMA) 2019, The Platinum Stallion Media Awards 2019 at ang pinakahuli, sa Southeast Asian Video Festival for Children 2019 na ginanap sa Cambodia.

 Sa katatapos na Anak TV Awards 2019, isang Makabata Star awardee si Bianca. At ang isang sorpresa kay Bianca, ang siya ang napili ng HBO Asia na gumanap sa Halfworlds Season 3. Pumunta pa siya sa Singapore para mag-attend ng Warner Media Party. Kaya naman may malaking proyektong gagawin next year si Bianca sa GMA-7, na bibigyan siya ng malaking cast na susuporta sa kanya. Ang kaabang-abang ay kung sino ang magiging leading man ni Bianca dahil sa 14 movies and television shows na ginawa niya, si Miguel ang nag-iisa niyang leading man.

Congratulations Bianca!

Smokey kasama na ni Alden

Maraming na-curious nang mag-post ang The Gift na special guest na papasok sa kanilang inspirational drama series si Smokey Manaloto simula kagabi. Wala na raw ba si Smokey sa ABS-CBN kaya mag-aapir na sa GMA Network? 

Gagampanan ni Smokey ang role ni Bradley, isang lalaking may koneksiyon sa psychic na si Helga, played by Sophie Albert.  Ang tanong kung kakampi ba ni Sep (Alden Richards) si Bradley, or isang kaaway?

Matagal nang actor si Smokey at kilala nga siyang Kapamilya, pero minsan ang mga tulad ni Smokey ay puwede nang mag-guest sa ibang network, or per project contract na lamang sila. Kaya iyong ibang netizens, request nilang sana raw ay mag-guest din si Smokey sa isa pang serye sa GMA, ang One of the Baes kung saan naroon din ang dating Kapamilya actor na si Roderick Paulate, para raw lalong masaya.

Ang The Gift ay napapanood gabi-gabi after Beautiful Justice at susundan naman ito ng One of the Baes.

BIANCA UMALI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with