Kris
Kris nagsalita na sa sakit ni PNoy
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - December 12, 2019 - 12:00am

Nilinaw ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account ang mga espekulasyon tungkol sa kalusugan ng kanyang kapatid na si former President Benigno “Noynoy” Aquino III. “In the midst of deeply divisive politics in our country, i still believe that we remain a CARING & COMPASSIONATE people. News has circulated about my brother’s health & current hospitalization... he chooses to live his life privately and that has its advantages, but can also open him up to some unnecessary speculation.

“I am not at liberty to speak for my brother, but as the mother of his text mate, josh, someone who loves his Tito Noy, with his whole heart- i hope we can all give him the respect & kindness our fellow man deserves,” ang bahagi ng caption ni Kris sa larawan ng anak niyang si Joshua habang masayang nakiki­paglaro sa Tito Noynoy nito.

Sa kanyang P.S (postscript), nilinaw din ni Kris na hindi raw ginagawang excuse ng kapatid niya ang sakit nito para umalis ng Pinas.

“P.S. i had seen some of the speculation, and unlike those na trip mag-imbento, i did my research, swipe to the next picture: from an article dated August 23, 2019, the SANDIGANBAYAN LIFTED the hold departure order against him.

“So please stop showing the world na puro fake news ang alam nyo by making this out to be a ploy about Noy wanting to leave the Philippines for treatment, because for more than 3 months he could have easily traveled abroad, he chose not to because there’s nowhere else he’d rather be than home,” pagtatapos ng post ni Kris.

Last Monday ay napabalita ngang sumailalim sa isang heart procedure si Noynoy pero pinabulanan agad ito ng kanyang spokesperson na si Abigail Valte as reported by ABS-CBN News.

Totoo raw na nasa Makati Medical Center si Noynoy pero ito ay dahil sa “scheduled check-up and a routine procedure.” Ayon pa sa spokesperson ay okay naman daw ang kalagayan ng former President and “in a high spirit.”

Nagbiro pa raw si Noynoy na kaya raw siguro napabalitang heart procedure ay dahil sa heartbroken siya.

Pati raw kasi catering pinasok na...Vice nag-aalala na sa rami nang ginagawa ni Coco!

Finally ay inamin ni Vice Ganda na nagkaroon talaga sila ng tampuhan ni Coco Martin nitong mga nakaraang taon.

“Kailan ba ‘yung Beauty and the Bestie?” simula ni Vice nang matanong tungkol sa tampuhan with Coco sa presscon ng The Mall, The Merrier, ang official entry niya for this year’s Metro Manila Film Festival.

Matatandaang magkasama sina Vice Ganda at Coco sa Beauty and the Bestie na MMFF entry noong 2015. Noong 2017 ay nagkanya-kanya na sila ng movie sa filmfest at dito na nga lumutang ang tsismis na mayroon silang misunderstanding.

“Oo, nagkatampuhan kami, pero hindi right after (the Beauty and the Bestie). Nagkatampuhan kami nun’g gagawa na kami ng pelikula para sa susunod na filmfest. Pero very minimal.

“Pero ‘yun ang tampuhan na hindi na kami... pano ba ‘yun? Hindi na kami nag-usap. Nag-artehan kaming dalawa. ‘Yung may mga tampo ako sa kanya, tapos, sinasabi ko lang sa mga common friends namin, tapos siya rin.

“’Yung pinararating namin sa ibang tao ‘yung tampo namin. Tapos, pag nagkita kami, wala,” kwento ni Vice sa presscon ng The Mall, The Merrier na entry niya for this year’s Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Dec. 25.

Ngayon ay magkalaban na naman sila sa MMFF and napag-usapan nga raw nila ito nang huli silang magkita.

Ani Vice ay sinabihan daw siya ni Coco na kanya na ang MMFF kaya pagandahin ang pelikula niya.

Idinagdag din ni Vice na nagwo-worry siya kay Coco dahil sa rami ng ginagawa nito. Bukod sa artista’t direktor ng FPJ’s Ang Probinsyano ay ito rin nga naman ang producer, direktor at bida ng MMFF movie nitong 3Pol Trobol with Jennylyn Mercado and AiAi delas Alas.

Pagbubuking pa ni Vice na ewan kung totoo, pati raw catering sa set ay kay Coco na rin. Tawanan ang lahat.

Kaya nag-aalala raw siya sa aktor na matalik niyang kaibigan simula’t sapul pa ng kanilang pag-aartista

KRIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with