Ogie madalian ang concert sa Saudi
Ogie
Ogie madalian ang concert sa Saudi
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - December 12, 2019 - 12:00am

Mamaya ang alis ni Ogie Alcasid pa-Riyadh, Saudi Arabia para sa OA Sa Riyadh concert niya roon kung saan ay guest si Lara Maigue at TNT Boys.

Nang makatsikahan ko si Ogie kahapon ay sinabi niya na ngayon lang siya aalis ng bansa dahil manonood pa raw siya ng U2 concert kagabi.

Isa si Ogie sa local celebrities na pinaghandaan talaga ang concert ng U2.

Bale two nights lang daw sa Riyadh si Ogie at babalik kaagad sa bansa dahil marami pa siyang trabaho.

Sa Pilipinas din sila magki-Christmas at after ay aalis naman sila pa-Australia kung saan nila sasalubungin ang 2020.

Kasama ni Ogie na aalis pa-Australia ang misis na si Regine Velasquez-Alcasid at mga anak na sina Nate at Leila.

Siyempre, makakasama nila doon ang mag-asawang Mark at Michelle (van Eimeren) Morrow at si Sarah Alcasid.

Kasama nilang bibiyahe roon sina Cacai Velasquez-Mitra at ang pamilya nito.

Mas marami raw sila, kaya mas masaya.

Maraming celebs nanood ng U2

Maraming local celebrities ang nanood kagabi ng U2 concert.

Nakita ko kahapon sa Marriott Hotel si Pheomela Barranda at maaga raw siyang um-attend ng party sa lugar na ‘yon dahil aalis siya kaagad para sa U2 concert.

In fairness, pati si Angel Locsin ay um-attend pa sa isang party noong isang araw na ang special guest ay ang U2.

Ang bongga ng U2 dahil kahit ang tagal na nila ay napakarami pa rin nilang mga fan worldwide, huh!

Eddie nag-umpisa na sa LizQuen series

Kasama si Eddie Gutierrez sa Make It With You series ng LizQuen.

Ipapalabas na raw sa January ang series na ‘yon kaya panay na ang taping nila.

Kahapon, may out of town taping na naman sila.

Ang bongga!

Ruffa may pasabog

May big announcement si Ruffa Gutierrez on Saturday sa kanyang pa-meet the press. Secret muna ang ia-announce ni Ruffa.

Naloka lang ako sa tanong ng isang entertainment press — “Buntis ba si Ruffa?”

Hahaha! Of course not! Hindi ‘yon ang ia-announce niya.

Mukhang happy na rin naman si Ruffa sa dalawa niyang mga anak na sina Lorin at Venice at wala namam siyang balak na magkaroon ng isa pa, huh!

‘Yun na!

OGIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with