^

Pang Movies

Vice mas gustong kumita kesa magka-award

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Vice mas gustong kumita kesa magka-award
Vice

Nabanggit na si Judy Ann Santos nga raw ay nanalo na ng award sa abroad para sa kanyang pelikulang kasali sa festival ngayon. Marami naman ang nagsasabing posibleng maging best actor ulit sa festival si Aga Muhlach para sa kanyang performance sa pelikulang Miracle at Cell No.7.

Sabay tanong nila kay Vice Ganda, sa taun-taon daw bang pagsali niya sa festival, hindi ba siya nag-ambisyong manalo rin ng award?

“Best float,” ang nagtatawang sagot ni Vice.

Habang patuloy na humahalakhak, sinabi pa niyang “minsan lang ang masakit, hindi na nga umandar ang float nila dahil nalubog sa putik, natalo pa kami.”

Aminado naman si Vice na ang mga pelikulang ginagawa niya ay hindi makakatikim ng award dahil hindi iyan ang mga pelikulang pipiliin ng mga kritiko. Natural ang hinahanap nila ay iyong maganda base sa kanilang standards.

“Pero para sa amin kasi ang iniisip lang namin, ma­ging masaya ang nanonood sa amin. Iyon bang hanggang pagdating nila sa bahay nagtatawanan pa sila dahil sa napanood nila. Ganoon naman dapat ang pelikula eh, iyong maski na sandali lang makalimutan muna ang problema ng mundo at tumawa ka naman. Iyon naman ang nagugustuhan sa amin ng mga tao, kaya kami ang pinanonood.

“Para sa amin, mas gusto naming pinanonood kami ng mga tao kaysa manalo ng awards. Iyon ang award namin eh, iyong suporta ng masa,” sabi pa ng komedyante.

Kung sabagay totoo iyon. Kailangang gumawa ng mga pelikulang kikita para magpatuloy ang industriya. Hanggang may kumikita kasing pelikula, may papasok sa industriya para mamuhunan. Kung wala nang mamumuhunan eh papaano pa nga ba?

Pamilya ni Miko, hindi pinakikinggan ng ibang netizens

Maraming iba pang detalye na lumabas tungkol sa nangyari sa actor na si Miko Palanca. May mga picture pa ngang kumalat sa internet. Pero nakiusap na ang pamilya niya na bigyan naman sila ng privacy sa panahong ito ng kanilang pagdadalamhati, at iyan ay iginagalang namin. Karapatan nila iyon. Hindi dahil sa artista siya, masasabi mo na ang kahit na ano.

Iyan ang kaibahan ng lehitimong media, may responsibilidad kasi. Eh iyong sinasabing social media, walang pakialam iyan. May mga nag-post pa nga ng pictures eh, na sa tingin naman namin hindi na dapat ipinakikita sa publiko.

Aktor muntik maghirap sa pagsosyo sa pelikula

Sumikat na dati ang male star, marami siyang pelikulang nagawa. Kaya lang, naloko rin naman siya ng producer niya kasi pati personal niyang pera naisosyo niya sa pelikula nila at kahit naman kumita iyon, walang isi­nauling pera sa kanya. Hindi naman niya maidemanda dahil mga kaibigan niya.

Ngayong hindi na ganoon ang kanyang career, at saka niya na-realize na hindi nga pala dapat na lahat ng magagandang naririnig mo ay paniniwalaan mo agad. Minsan may ibang agenda ang mga kausap mo, kahit na sabihin pang may relasyon kayo.

Mabuti at kahit papaano may naitabi pa siyang kaunti, nakapagsimula siya ng sarili niyang negosyo at nabubuhay niya nang maayos ngayon ang kanyang pamilya. Kung lahat ng pera niya ay naisosyo niya sa “kaibigan” niya, ewan kung saan siya dadamputin sa ngayon.

vuukle comment

VICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with