Vice at Ion
Vice hindi nagtago sa dilim nang maging sila ni Ion
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - December 11, 2019 - 12:00am

One year and one month na ang relasyon nina Vice Ganda and Ion Perez at sa loob ng 13 months na ‘yun, ayon sa Unkabogable Star ay marami raw binago sa kanya ang dyowa.

“Masaya ‘yung puso ko, in-love ako,” sambit ni Vice Ganda sa grand presscon ng Metro Manila Film Festival 2019 movie niya na The Mall, The Merrier under Star Cinema.

“Kasi, marami akong nagugustuhan in the past pero hindi naman ako nai-in-love,” paliwanag niya.

“At maraming nagbago kasi this time, ‘yung taong in-love ako, mahal din ako. Kasi, maraming pagkakataon in the past, may mga minahal din naman ako, pero hindi naman ako minahal. May mga taong pinili ko, pero hindi rin naman ako pinili.

“Ngayon, masaya kasi ‘yung pinili ko, pinili rin ako,” sey pa ni Vice na pinalakpakan ng press at mga co-stars. Obviously, masaya ang lahat para sa kanya.

Hinding-hindi raw niya makakalimutan kay Ion nang maging sila na tinanong daw siya nito kung bakit hindi pwedeng sabihin sa mga tao ang tungkol sa kanilang dalawa.

“Sabi niya, ‘bakit hindi pwedeng sabihin? Ba’t ‘di pwedeng aminin?’ Hindi niya ‘yun matanggap na ‘bakit hindi natin pwedeng sabihin?’

“Nun’g sinabi niya sa akin ‘yun, naramdaman ko ‘yung nararamdaman niyang sakit at na-realize ko, kung hindi ako mahal ng taong ‘to, hindi siya masasaktan na tinatago namin ang isa’t isa,” ani Vice.

‘Yung mga taong minahal daw niya in the past ay ganu’n daw ang sistema nila – na sila lang ang nakakaalam ng relasyon nila at hindi nga nila nilalantad. At okay lang daw naman sa mga ito.

“Pero siya (Ion), hindi siya papayag. Du’n ko na-realize, ‘ay mahal ako ng taong ‘to kasi, kaya niya akong panindigan.’ Siya lang ‘yung may boses at dila na kayang ipagsigawan ang pangalan ko at sabihing may damdamin siya para sa akin.

“Siya lang din ‘yung may kamay na kayang humawak sa akin kahit maraming nakatingin. Siya lang din ‘yung may kayang yumakap sa akin kahit maraming nakatingin at hindi kami nagtatago sa dilim.

“Kaya nang ginawa niya sa akin ‘yun, ‘ah totoo na ‘to.’ Sabi ko, ‘hindi na ito ‘yung katulad ng dating nagse-settle lang ako para lang hindi zero, para masabing may dyowa ako.

“Kasi ang daming nagsasabi na ‘mayaman ka, sikat ka pero hindi ka magiging masaya kasi wala namang magmamahal sa ‘yo.’ At ngayon, napatunayan ko, maling-mali sila kasi may taong totoong nagmamahal sa akin. At siguradong-sigurado ako,” seryosong sabi ni Vice.

Kasama rin si Ion sa The Mall, The Merrier at ito ang kanyang first movie. Ayon kay Vice, bagong experience sa kanya na may kasama siyang dyowa sa isang pelikula at napakasaya raw pala.

“In-enjoy ko na magkasama kami ni Ion sa pelikula. Siyempre, aarte pa ba ‘ko na sabihin kong hindi ako nag-enjoy? Siyempre, masayang-masaya ako kasi first time kong may kasama sa trabahong dyowa ko. Kaya masaya di ba?” sabi ni Vice.

First movie rin daw nila ito ni Anne Curtis together kaya isa rin ito sa in-enjoy niya. Also in the cast are Dimples Romana, Tony Labrusca, Jameson Blake, Elisse Joson at marami pang iba mula sa direksyon ni Barry Gonzalez.

ION PEREZ VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with