Angelica at Coco movie, kasado na!
Angelica at Coco
Angelica at Coco movie, kasado na!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - December 11, 2019 - 12:00am

Kasado na ang pelikulang pagsasamahan nina Angelica Panganiban at Coco Martin mula sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar.

Isang romance-drama ang konsepto ng Angelica-Coco movie. Naganap na ang story conference kahapon.

“Ma, may movie na ako with Coco Martin. Sikat na ko ma!!!” caption ni Angge sa picture nila ni Coco sa Instagram.

Nadine sinayang ang chance kay Aga 

Consistent ang pagigiging mahusay ni Aga Muhlach bilang isang amang mapagmahal sa anak pati ang pagkakaroon niya ng intellectual disability sa festival movie niyang Miracle in Cell No. 7.

Ang maganda pa sa pelikula, sinabayan si Aga ng magagaling ding mga aktor na lumabas na co-inmates siya. Ang gagaling nina Joel Torre, Mon Confiado, Jojit Lo­renzo, JC Santos at Soliman Cruz.

Maging ang child star na si Xia Vigor, nakipagsabayan sa husay ni Aga, huh!

Nakakatuwa at nakakaiyak ang pelikula. Sure win nang tiyak si Aga bilang best actor at hindi kami magtataka kung may manalong best supporting actor ang isa sa inmates. May laban din si John Arcilla sa nasabing award bilang warden ng kulungan.

Si Bela Padilla ang pumalit kay Nadine Lustre nang lumaki ang bata. Parang alam na na­min kung bakit siya kumalas sa movie.

Sayang nga lang ang pagkakataon makasama ni Nadine si Aga kahit maiksi lang ang role nang lumaki ang anak!

ANGELICA PANGANIBAN COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with