Pasko ng mga Revilla at Palanca malungkot
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - December 11, 2019 - 12:00am

Sad naman ang news tungkol sa pagpanaw ni Miko Palanca noong December 8. Tiyak na malungkot ang Pasko ng Revilla at Palanca family dahil sa pagkawala ni Miko na sumakabilang-buhay sa edad na 41.

Ang nangyari kay Miko ang dahilan kaya lalong lumakas ang panawagan tungkol pag-unawa sa mga tao na dumaranas ng depression.

Hindi nag-iisa si Miko dahil marami ang ka­tulad niya na nakakaramdam ng depression pero normal na normal ang hitsura. Hindi makikita sa mga mukha nila ang matinding kalungkutan na nararamdaman dahil nagagawa pa nila na ngumiti. Nakikiramay ako sa mga naulila ni Miko.

Alleged picture ng suicide ni Miko kalat sa socmed

Anak si Miko ni Pita Revilla at ng race car driver na si Bernard Palanca Sr.

Bata pa lamang si Miko at ang kanyang kapatid na si Bernard nang mamatay ang kanilang ama. Nag-asawa uli si Pita, si Dr. Hocson pero pumanaw na rin ito.

Ang balita na nakarating sa akin, nasa U.S. si Pita nang malaman nito ang malungkot na sinapit ni Miko. Ngayon ang expected return ni Pita mula sa U.S. at na-i-imagine ko ang sakit na nararamdaman niya dahil sa biglang pagkawala ng kanyang anak.

May mga kumakalat sa social media ng alleged picture ni Miko sa lugar na pinangyarihan ng insidente at sana, huwag na itong pagpasa-pasahan sa Internet bilang respeto sa kanyang alaala.

In fairness sa mga nag-post ng mga picture, hindi nila alam na si Miko ang biktima. Hindi kaagad na-identify si Miko noong December 8 dahil kinabukasan pa nalaman ng publiko na siya ang lalaki na nakunan ng picture sa isang mall sa San Juan City.

Mayor Abby gustong maging hands on mother

Ang cute ng family photo ni Makati City Mayor Abby Binay sa Christmas basket na ipinadala niya sa entertainment press, Salve.

Kasama ni Mayor Abby at ng kanyang asawa sa picture ang kanilang nag-iisa na anak na babae.

Mayor Abby na siya pero bata pa ang baby girl nila kaya pala sinabi niya na she wanted to get out of politics to be a hands on mother.

Isa si Mayor Abby Binay sa young leaders natin na talagang iba ang vision at drive sa pamumuno. Pare-pareho sila nina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Manila City Mayor Isko Moreno, Pasig City Mayor Vico Sotto, Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque, Antipolo City Mayor Andeng Ynares at Bacoor City Mayor Lani Mercado.

We can really say that our country will move forward faster dahil sa young mind ng mga leader that will lead us to a better tomorrow. Thank you Mayor Abby Binay, bongga ang basket, we love it.

Kasal nina Jolo at Angelica handa na!

Sa December 16 ang U.S. wedding nina Jolo Revilla at Angelica Alita.

Lilipad sa U.S. sa December 14 ang mga invited guest para sa very intimate wedding nina Jolo at Angel.

May plane ticket at hotel reservation na ako pero nag-decide nga ako na huwag nang pumunta kaya naloka si Lani Mercado na asang-asa pa naman na magkakasama kami sa Amerika.

Hindi man ako makadalo, ipagdarasal ko ang happiness at forever na pagsasama nina Jolo at Angel. Congratulations in advance.

MIKO PALANCA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with