^

Pang Movies

Liza ‘di nagdamot sa ginawang training noon sa Darna

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Liza �di nagdamot sa ginawang training noon sa Darna
Liza

Kinuwento ni Liza Soberano sa na­ging meeting nila over dinner ng bagong Darna na si Jane de Leon.

Nagbigay ng magagandang payo si Liza kay Jane dahil alam niyang malaking pressure ang mabigyan ng malaking role tulad ng Darna.

Kuwento ni Liza, hinanda raw niya ang sarili niya, physically and mentally, noong sa kanya unang binigay ang Darna role.

“I shared with her the journey that I had to go through in preparation for the character. And I just gave her words of encouragement and kind of parang like a pep talk on what to like look forward to about the role and everything,” sey ni Liza.

Sey naman ni Jane ay ramdam na niya ang pressure noong ibigay sa kanya ang iconic role na Darna.

“Masaya po ako sa tiwalang binigay sa akin ng mga tao. And ngayon siyempre gusto ko ulit magpasaya ng ibang tao, tumulong ayun po. Nape-pressure po ako. Kahit naman sino’ng nasa posisyon ko ‘yun ‘yung mararamdaman.

“Pero siyempre, kailangan mo lang tanggapin lahat. And magdasal. Lalo pa’t meron namang mga tao na nandiyan para suportahan ka.”

Naniniwala si Liza na kakayanin ni Jane ang pagganap bilang Darna.

In-assure ni Liza kay Jane na ang lahat ng mga aktres na gumanap na Darna in the past ay susuportahan siya.

Cai Cortez may second baby na

Ipinanganak na ng aktres na si Cai Cortez ang second baby nila ng mister niyang si Wissem Rkhami noong nakaraang December 6.

Isang baby girl naman ang iniluwal ni Cai sa mundo at pinangalanan nila itong Carmen.

Noong nakaraang October lang pinost ni Cai via IG na 29 weeks pregnant na siya. Ilan lamang sa mga close friends ni Cai ang alam na buntis siya ulit.

Happy si Cai na “kuya” na ang panganay nila ni Wissem na si Bibo, who is now 3-years old.

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with